Nagsimula sa payabangan, humantong sa siraan

0
18

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Huwag mong sabihin na dahil lang sa inggit ay magagawa mo ng siraan ng husto ang isang tao? Shucks, mga katsismosa, talagang hindi ma-carry ng brain ko na may mga ganitong klaseng tao. Nitong nakalipas na linggo ay naging saksi ako sa bangayan ng magpinsan na itago na lang natin sa pangalang Claire at Alma, kapwa sila nasa Japan.  

Si Claire ay nagtatrabaho sa factory, si Alma naman ay nasa opisina. Kung mapapansin ninyo ay mas mataas ang posisyon nitong si Alma. Siguro na rin ay mas mataas ang pinag-aralan niya sa kanyang pinsan kaya lang itong si Claire ay naging masinop sa pinagpaguran niya kaya naman nakaipon siya at nakapagpundar. Mayroon na nga siyang bahay. Kung may mga kamag-anak siyang lumalapit sa kanya, kanya itong tinutulungan.  

Ngunit sa kabila noon, sa mata ng marami ay masama pa rin itong si Claire. Paano naman kasi, kung minsan hindi niya iniisip ang kanyang sasabihin. Masyado siyang prangka. Kung ayaw niya, ayaw niya. At iyon ang nakikita ng ilan niyang kamag-anak para para siya ay siraan. May mga tumatawag sa kanyang ‘anak ng demonyo’.  

Siyempre, inalam ko ang dahilan kung bakit sinasabihan  siya ng ganoon. Sa tingin ko naman kasi ay mabait naman siya, mataray lang. Kaya nga lang, sabi nga, kung may usok ay may sunog kaya minabuti ko na ring mag-imbestiga. Ginawa ko lang iyon sa pamamagitan ng mga post nila at sa comment ng kanilang mga kaibigan, kamag-anak at kakilala.  

Ngunit, siyempre, hindi pa rin sapat iyon para malaman ko ang katotohanan. Mas maigi rin kung kilalanin ko sila ng todo.  

Bakit mo ba tinatawag na anak ng demonyo si Claire? Tanong ko kay Alma. Agad siyang sumagot, napakasama kasi ng ugali niyan. Kaya nga hindi kataka-taka kung lahat ng kamag-anak namin ay itinatakwil siya. Pati mga kapatid at nanay niya, itinakwil na siya. Lagi kasi niyang ipinamumukha sa aming lahat na mayaman siya. Tapos kaya namantay ang tatay niya dahil pinapatay niya.  

Mangha akong natigilan sa kanyang sinabi. Para kasing hindi ako makapaniwala na magagawa iyon ng anak sa kanyang ama.  

Bakit ba galit si Alma sa’yo? Tanong ko naman kay Claire. Agad naman siyang sumagot, kasi naiinggit siya sa akin. Ang yabang-yabang niya, wala naman siyang pundar. Nang hamunin ko siyang maglabas ng mg titulo ng bahay, wala siyang maipakita. Niyayabangan niya ako pero wala naman siyang maipakitang yaman.  

Hindi na ako kumibo. Pakiramdam ko ay nagsimula lang iyon sa payabangan at ngayon ay hindi na nila magawang tigilan ang kanilang away lalo na’t marami na ang nakikisawsaw sa kanilang awayan. Kaya napabuntunghininga na lang ako at nanalangin na sana ay hindi na lumaki pa ang di nila pagkakaunawaan. Dahil kung hindi sila tuluyang magkakabati, sigurado akong mauuwi na sila sa demandahan lalo na’t inaakusahan na ni Alma na pinatay ni Claire ang sariling ama.   

Mga katsismosa, ano ba ang maipapayo mo sa kanila?

 

PhilippineOne is actively accepting articles in Tagalog or English from Filipinos and/or expats living in the Philippines.  Get published today on any subject you feel like writing about. Send your articles to info@philippineone.com with a brief description. You are allowed to add your website link and may use a pseudonym if that makes you more comfortable.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here