Nagladlad Si Boyfriend, Anong Gagawin Mo

70
  1. Tanggapin ang katotohanan – Alam kong masasaktan ka pero hindi mo na naman mababago pa ang katotohanan kaya mag-move on ka na. Mas masakit naman kung tatagal pa ang pag-ibig mo sa kanya gayung iba naman ang gusto niya. Sa halip na malungkot, mag-smile ka na lang. ‘Yon nga lang, mahirap iyong gawin lalo na at pinapaniwala ka niyang macho siya pero iyon pala mas maganda pa sa beauty mo.
  2. Mag-enjoy ka sa halip na magmukmok – Hindi naman masama ang masaktan o ma-disappoint pero wala namang masama kung sasabihin mo sa’yong sarili na better luck next time. Huwag na huwag ka siyempreng mawawalan ng pag-asa. Isipin mo na sa takdang panahon ay makikilala mo rin ang taong itinadhana para sa’yo. Kaya ang dapat mong gawin ay ibuhos ang oras mo sa mahahalagang bagay tulad ng pag-aaral o pagtatrabaho.
  3. Ibaling ang pansin sa pamilya at kaibigan ang atensyon – Sila ang mga taong makakatulong sa’yo para mapadali ang iyong paglimot. Huwag mo silang babalewalain. Higit kailanman, kailangan mo sila para maging madali rin sa’yo ang lumimot. Iyon nga lang, kailangan mo din siyempreng tulungan ang sarili mo sa pagmu-move on.
  4. Itanong mo sa;yong sarili kung nasaktan ka nga ba? Masakit naman talaga kapag iniwan ka ng taong mahal mo. Kahit pa sabihing nagpalit siya ng pagkatao. Kaya tanungin mo ang sarili mo kung nasaktan ka nga ba dahil mahal mo siya o wala ka lang mukhang maiharap sa tao dahil alam mong tutuksuhin ka nila? Sa madaling salita, pride lang ang nasaktan sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here