Nabubuhay ka ba sa takot? Basahin ito.

1257

Ano ang mga kinatatakutan mo ngayon? Takot ka bang:

·       Ma-reject?

·       Mag-fail?

·       Natatakot sa sasabihin ng iba?

·       Sa hindi sigurado?

·       Takot sa pwedeng mangyari? 

Normal sa tao ang matakot, mangamba o mag-alinlangan, pero kung palagi kang natatakot, hindi na ito normal. Lahat ng klaseng takot ay nakaka-paralisa. Naaapektuhan nito ang ating mga pangarap sa buhay dahil hindi tayo nakakausad dahil dito. Lagi na lang tayo nabubuhay sa nakaraan. 

Gusto mo pero ayaw mo gawin. May mga plano ka na pero may pumipigil. Sayang naman ‘di ba? 

So ano ang dapat natin gawin para hindi tayo makulong sa mga bagay na kinatatakutan natin? 

1. Stop Assuming

Nadinig mo na ba yung phrase na: “Assumera ng taon?” 

Iyan, ganyan tayo minsan.

“May nasabi ba ako?”

“Bakit tahimik siya? May nagawa ba ako?”

“Baka hindi nila nagustuhan.” 

Kung itong mga tanong na ito ay naglalaro sa ating puso at isip, we can just ASK to CLARIFY. 

Walang point yung pangungunahan natin kung anong iniisip nila tungkol sa atin. We just judge the person and the situation ng walang kalaban laban. 

2. Stop worrying 

“Baka mapahiya lang ako.”

“Papasa kaya ako?”

 “Wag na lang hindi naman ako qualified.”

“Pass muna ako. Baka mawala ipon ko” 

Paano mo malalaman kung hindi mo muna susubukan? Kapag natakot tayo agad, wala tayong masisimulan. Subukan mo muna, kapatid! Mas isipin mo yung potensyal, hindi yung kawalan. Isipin mo yung matututunan mo, hindi yung magiging pagkakamali mo.

3. Stop negative thinking 

Hindi pa nangyayari ay iniisip mo na? Wag ganun. Kapag pinakain natin ang utak natin ng negativity para sa agahan, reklamo sa lunch, pangangamba sa hapunan at mabigat na puso bago matulog, naku, isa itong recipe sa disaster! 

Sisirain lang nito ang araw mo, at balang araw, ang buhay mo. Mahirap pag may dinadala kang mabigat, hindi ka makakausad. Kung ano ang pinapakain mo sa utak mo, ay lalong lalakas. 

4. Remember that fear is not from God 

Tandaan mo, hindi galing sa Diyos ang takot. Kapag lagi kang natatakot, ibig sabihin ay wala kang tiwala sa Diyos na kaya Niyang kontrolin ang buhay mo. Kapag lagi mong iniisip na ang kalakasan mo ay sa iyo manggagaling, ibig sabihin ay wala kang pananampalataya sa Diyos. 

5. Train your mind with happy thoughts 

Ipaalala mo sa sarili mo yung unang beses na nabigyan ka ng award sa school; yung first time na binigyan ka ng reward ng magulang mo sa kabutihan na ginawa mo; yung first time ikaw ay nasabihan ng boss mo, “Job well done, I am proud of you.”  Maniwala ka, magiging mas kalmado, masaya at payapa ka. The more you dwell on the positive, the better you will feel; the more you dwell on the negative, the more it will make you feel depressed. 

6. Learn from your past mistakes 

Sa kabila ng sakit na nararanasan mo, meron at merong lesson iyan na matutulungan tayong alisin ang takot natin. 

Halimbawa: 

“Natutunan kong mas mag-aral mabuti kasi dati bumagsak grades ko.”

“Natutunan kong mahalin at bigyan ng importansya sarili ko nung iniwan niya ako.”

“Natutunan kong mag-budget nung mga panahong lumubog ako sa utang.” 

Lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may rason, kailangan lang natin hanapin yung kagandahan sa likod nun, sisihin ang ating sarili at maawa sa buhay natin.

Ang mga artikulo ni Camille Jacinto

SHARE
Previous articleAnak, nag-OFW dahil sa mahigpit na ama
Next articleThe Good Son Review, Marso 5, 2018: Ang burol ni Anthony
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here