Na in love sa bestfriend

950
Dear Maria: Advice column on PhilippineOne

Dear Maria,
Mahal na mahal ko ang bestfriend ko kaya lang hindi bilang kaibigan kundi bilang lalaki. Hindi ko naman ito masabi sa kanya. Natatakot ako na baka masira ang friendship namin dahil may iba siyang mahal. Sobra akong naguguluhan. — Verna

 

Verna,
Hmmm, hindi man kita kilala ng personal pero pakiramdam ko, ang bigat-bigat ng iyong dibdib. Alam kong ito’y dahil nahihirapan kang makita siyang may kasamang iba kaya lang BFF mo siya, kaya di mo rin siya magagawang basta talikuran. Alam ko rin na hindi mo kaya ngunit nahihirapan ka na. Mas maigi siguro kung aaminin mo na sa kanya ang iyong nararamdaman. Sa iyong pag-amin, talagang¬† hindi mo maiiwasan ang makaramdam ng takot. Siyempre, maaari ring magtapos na ang friendship ninyo. Kaya lang, paano kung pareho pala kayo ng nararamdaman. Naku, hindi kita dapat paasahin. Sabi mo nga, mayroon siyang ibang mahal. Kaya, maaari ngang iwasan ka na niya kapag ipinagtapat mo sa kanya ang iyong nararamdaman. Ang tanong ko lang, gaano ba kalalim ang friendship ninyo?KUng tunay ang pagkakaibigan ninyo, hindi ‘yan masisira. Baka nga hindi pa ‘yan mabawasan. Saka, matutulungan ka rin niyang ma-realize kung talaga nga bang mahal mo siya. Baka naman kasi masyado ka lang nasanay na lagi siyang nakikita at nakakausap. I-try mo rin kayang dumistansiya sa kanya. Baka kasi sa pamamagitan doon ay matiyak mong hindi pag-ibig ang nararamdaman mo sa kanya. Teka nga pala, ilang taon ka na ba? Kung teenager ka pa lang, maaaring hindi pa tunay na pag-ibig ang nararamdaman mo para sa kanya. Kaya, kaysa puro pag-ibig ang isipin mo, mas maigi kung.

Written by Maria Angela Gonzales

2 COMMENTS

  1. I am also currently in a similar situation. Pero medyo kumplikado ang sa akin kasi isa akong lalaki na in love sa best friend ko na isa ring lalaki. Matagal ko na actually napapansin na more than a friend ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero at that time, hindi ko magawang tanggapin ‘yon sa sarili ko. I tried having a girlfriend hoping that it would help me bury my feelings for my best friend. Pero habang tumatagal ang relationship ko sa girlfriend ko lalo ko lang nare-realize na hindi siya ang mahal ko kundi ang best friend ko. I am so confused Maria, ano bang dapat kong gawin?

  2. Tulad din ng pinayo ko kay Verna, mas maiging sasabihin mo ang nararamdaman mo. Hindi na uso ang martir sa panahong ito. Dapat ipaglaban mo ang nararamdaman mo. Gayunman, hindi ka dapat maging OA. Aminin mo lang sa kanya na may feelings ka for him pero huwag mo naman sabihin sa kanya na maging kayo. Baka kahit magkaibigan kayo ay masapok ka niya. Saka, kailangan mo na ring aminin sa bestfriend mo ang tunay mong pagkatao dahil iyon ang nararapat. HUwag mo siyang lokohin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here