NA-HURT SA PAG-IWAN NI LABS NGUNIT KAILANGANG MAGPAKATATAG DAHIL SA KAPATID NA MAY CANCER

0
84
payo, artikulo, pag-ibig, kabiguan, pagmamahal, paghanga, martir, pag-asa,

Dear Maria,

Ang babaeng mahal na mahal ko ay iniwan ako. Gusto ko sanang magpakatatag para sa kapatid kong mayroong cancer kaya lang nakikita ko siyang masaya sa piling ng lalaking ipinalit niya sa akin at sobra akong nahihirapan. no ang  dapat kong gawin? — Billy

 

Billy,

Kung talagang mahal mo ang babae na ‘yan, kailangan mo siyang pawalan. Kahit naman maglupasay ka riyan, hindi naman siya lalapit sa’yo para sabihing mahal ka niya. Kung talaga kasing nagmamahal ka, walang magiging importante sa’yo kundi ang kanyang kaligayahan. Saka, kahit naman sabihin niya sa’yo na mahal ka niya, nakatitiyak naman ako na hindi mo maibibigay sa kanya ng buung-buo ang iyong pagmamahal. Sabi mo nga, kailangan mong magpakatatag para sa kapatid mo. Kaya, sana ay ituon mo muna ang atensyon mo sa kanya.

Nasaan na ang mga magulang ninyo? Kailangan nila ng suporta mo dahil tiyak na hindi biro ang kanilang pinagdaraanan. Kung mayroon kasing cancer ang iyong kapatid, hindi malayo na nasa bingit siya ng Kamatayan. Kaya, huwag mo na dagdagan pa ang paghihirap ng kalooban nila dahil lang sa isang babae. Kung sasabihin mo naman na wala na kayong mga magulang, higit mong kailangang mag-move on sa’yong kabiguan. Tulad nga ng nasabi mo, kailangan ka ng iyong kapatid.

Para madali sa’yong makapag-move on, isipin mo na lang na hindi siya ang babaeng nararapat sa’yo. Kung siya kasi ang para sa’yo, nakasisiguro ako na ikaw   sana ang pinili niyang mahalin. Saka, naging kayo ba? Hindi mo naman kasi sinabi kung naging girlfriend mo siya. Ang sinabi mo lang ay siya ang mahal mo. Kung hindi ka naman niya pinaasa, aba, dapat ay maging madali lang sa’yo ang makapag-move on. Wala naman kasi kayong pinagsamahan. Kung kayo naman ay nagkaroon ng relasyon at iniwan ka niya, mas maiging kalimutan mo na siya dahil hindi siya karapat-dapat mahalin. Kung minahal ka kasi niya, hindi ka niya basta-basta iiwan. Kaya nga lang, kung talagang hindi naman kayo, hindi mo pa rin masasabi na iniwan ka niya.

Kaya, isipin mo na lang na sa takdang araw ay darating ang babaeng inilaan ng tadhana sa’yo. Kaya, tanggapin mo ng hindi ang babaeng ‘yan para sa’yo. Para makalimot ka agad, ibaling mo muna ang iyong atensyon sa mas mahalagang tao. Ang iyong kapatid. Habang nandiyan siya, ibigay mo na sa kanya ang lahat ng pagmamahal. Alalahanin mo, malala ang kanyang kalagayan kaya anumang oras ay maaari siyang mawala.  So, huwag mo na hayaan na magkaroon ka pa ng pagsisisi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here