My Life as a Filipina

812

Lumaki ako sa lipunan na kung saan ang babae ay pinalaki upang pagsilbihan ang magulang at pagyaon ay ipakakasal sa lalaking may sinabi sa buhay, mag-aanak at pagsisilbihan ang pamilya hanggang sa ito’y tumanda. Paulit – ulit ang ganitong sitwasyon hanggang sa ‘di kalauna’y nabibigyan ng boses ang mga kababaihan, na hindi lang pambahay, at hindi lamang pag-aalaga ng pamilya ang dapat matutunan. nabigyan ng pagkakataon makpag-aral, makapg-pasya, makapag-trabaho at makapamili ng landas na tatahakin. Isa ako sa mapapalad na mabigyan ng pagkakataon, upang mamuhay ayon sa gusto ko. Nakapagtapos ako ng pag-aaral sa kurso at ekwelahan na napili ko, nakapagtrabaho ng hindi dinidiktahan ng magulang kung ano ba ang sa tingin nila ay nararapat kong tahakin. Hindi maiaalis sa isang tulad ko na sumunod sa kung ano man ang nakaugalian na, ngunit hindi ito ang bumubuo sa pagkatao ko.

Sa paglaon ng panahon, sa pagbabago ng pamumuhay ng tao at mga paniniwala ang mg babae na kung manamit ay abot saya ngayon ay nagsusuot na ng mini skirt. Na kung noon ang mga lalalki lang ang nagsusuot ng pantalon, ngayon ang mga bababe ay nagsususot na din nito at ang iba ay pinaiksi pa na parang nakasuot na lang ng salawal. Kung noon ang mga lalaki ang nagta-trabaho, at may huling desisyon sa bahay; ngayon ang mga babae na ang nagtataguyod sa pamilya at gumagawa ng paraan para magkaroon ng pagkain sa hapang kainan. Isang babaeng malaya, matatag at may paninidigan. Ganyan ko nakikita ang sarili ko at ang karamihang Pinay sa mga Pinay ngayon.

Pagkatapos ko sa aking pag-aaral, at sa pagharap sa hamon ng buhay ako ay tumira sa luma naming bahay. Malayo sa magulang at sa aking kapatid, nguni’t malapit sa aking mga kaibigan at ibang kaaanak. Dito ko sinimulang mamuhay ng mag-isa, hindi umaasa sa magulang patungkol sa kung ano ang ihahain sa hapag kainan, at mga maruruming damit na kailangan kong labhan pagkatapos ng isang araw na pagtatrabaho. Nakakapagod, nakakawalan ng gana at minsan ay maiiyak ka na lang dahil maiisip mong mas masaya ang mamuhay kasama ng pamilya. Hindi ko kailangan gawin ito kung nanaisin ko, pero sa aking pag-iisa naranasan ko din ang maging malaya. Ang laya na hindi naranasan ng iba. Laya na hindi ko kailangan ipaalam kung saan ako pupunta, sino ang kasama ko, at kung anong oras man ang uwi ko. hindi ko kailangan ipaalam ang mga bawat galaw ko, walang naghihintay, at walang mangingialam ng desisyon ko. Para akong isang ibon na nakawala sa hawla, unti-unting ibinubuka ang pakpak at ikakampay ng marahan hanggang sa pabilis ng pabilis patungo sa kangitan na hindi mailarawan ang saya.

Sa aking paglipad ng matayog hindi ko namalayan ako din pala ay isang reynang sa sarili kong palasyo. May matataas na pader, gwardyado, at wala sinoman ang maaaring makapasok. Malaya, matapang, nguni’t hindi ko napansin na ikinulong ko na pala ang sarili ko sa palasyong aking itinayo. Nakagapos ang puso sa kalungkutan ng aking pag-iisa. Nagpapanggap na matapang sa panlabas na kaanyunan, nguni’t ikinukubli ang bagay na makakatitibag sa pader na aking itinayo.

Masasabi kong ang buhay ko ay isang sasakyang rondilyo. Paikot-ikot, taas, baba, at nakakahilo ang mga pangyayari sa aking buhay. Nakakatakot, nakakakaba, nguni’t masaya pa din.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here