Movie Review: Deadma Walking – Ang pelikulang hindi dapat deadmahin

0
800

Deadma Walking, noong nakita ko pa lang ang trailer ay nasabi ko na sa sarili ko na panonoorin ko talaga ito. Mukhang super nakakaaliw ang pelikula at medyo bago sa paningin ko ang istorya nito.

Hindi nga ako nagkamali! Super ganda ng pelikulang ito. Hindi lang dahil sa nakakatawa kundi dahil ang daming topic na hindi madalas mapag-uusapan ang ipinakita rito. Unang-una na ang tungkol sa kamatayan.

Halata naman siguro sa title na may patungkol ito sa patay, lalo na kapag napanood mo na ang trailer. Dito, ang karakter ni Joross Gamboa ay may cancer at pineke niya ang kanyang pagkamatay. Ang bestfriend naman niya na ginampanan ni Edgar Allan Guzman ang tumulong sa kanya na magawa ito.

Super saya ng movie, sa simula. Nakakatawa ang mag-bestfriend lalo na ang karakter ni Edgar Allan. Deserving talaga siyang manalong best supporting actor dahil sa kanyang performance. Hinding-hindi mo aakalain na ibang tao siya sa totoong buhay. Parang kuhang-kuha na niya ang pagkatao ng karakter.

Ganoon din naman si Joross pero medyo kinulang lang ng konti. Ang iba naman mga karakter ay magagaling din at walang awkward moment o patapon na moment ang pelikula.

Nang una, akala ko na wala masyado drama ito pero nagkamali ako. Sobrang umiyak ako sa parte na nagkakapatawaran na ang magkapatid. Pati na sa parte na nabunyag ang sikreto ng karakter ni Joross.

‘Yung ending nga lang niya ay parang “expect the unexpected”, medyo cliché pero okay naman siya sa istorya. Sobrang sakit lang talaga sa loob ang nangyari sa huli. Na parang hindi pa sila okay tapos ganoon pala ang ending.

Kailangan may ganitong movie na palagi sa MMFF taun-taon!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here