MOMMYLENNIALS TRIVIA: Ano ba ang Pigsa?

0
95

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Panahon nanaman ng tag-init at marami nanamang sakit ang naglalabasan. Mas maige nang maging handa kaysa mabigla sa mga sakit na sumusulpot sa inyong mga anak. Isa sa usong sakit ngayon ay ang pigsa. Ano nga ba ito at paano ito pagalingin?

Ang “boil” o ang pigsa ay isang uri ng impeksyon sa sweat pore o hair root ng balat. Bumubukol ito sa balat na may nana sa loob. Lumalabas ito madalas kapag tag-init, pero hindi ito masakit at wala itong kinalaman sa pangkalahatang kalusugan ng isang bata. Minsan ay tumutubo ito sa maseselang bahagi katulad ng mukha at puwit ng bata. Kapag hindi ito naagapan, maaaring lumala ito at kumalat sa ibang bahagi ng sistema.

Sampung trivia tungkol sa pigsa:

  1. Tumutubo ito sa iba’t ibang parte ng katawan katulad ng leeg, kili-kili, mukha, balikat at puwit. Dumadami ito at kumakalat.
  2. Ang Staphylococcus Aureus ang bacteria na pumapasok sa hair follicles at oil glands kaya nagkakaroon ng pigsa, sa pamamagitan ng sugat sa balat.
  3. Hindi ito delikado, dahil may natural na pang-depensa ang katawan para labanan ang bacteria nito.
  4. Kahit hindi ito delikado, dapat ay ikonsulta pa rin ito sa doktor, lalo na kapag tumagal ito ng 2 hanggang 3 araw. Higit na dapat ikonsulta kapag nilalagnat na ang bata, lumalaki na ang mga pigsa at dumadami na ito.
  5. Maaaring lumala ang pigsa kapag ang tao ay may sakit o kondisyon na diabetes, eczema at bukas na sugat. Ito ay dahil sa bukas na sugat na naka-expose sa bacteria.
  6. Kahit sino ay maaaring magkaroon ng pigsa. Walang paraan para mapigilan ang pagkakaroon nito.
  7. Ang boil o pigsa ay tinatawag ding “Furuncle”. Kapag kumpul kumpol ito at marami, tinatawag itong “Carbuncle”. Nagsisimula ito sa pamumula sa isang bahagi ng katawan. Pagkatapos, ito ay nagkakaroon ng malambot na pamamaga. Nagkakaroon ito ng puting nana sa ilalim ng balat, pagkalipas ng apat hanggang pitong araw.
  8. Ayon sa pagsusuri, walang direktang sanhing panlabas ang pagkakaroon nito.
  9. Ang impeksyon at pagkalat sa sistema ang dapat maagapan. Ang ilang hudyat ng impeksyon ay pagkakaroon ng pagkalat ng pamumula, mataas na lagnat at lumalalang sakit.
  10. May mga batang paulit-ulit nagkakaroon ng pigsa, at minsan ay kumakalat ito sa buong bahay, kaya dapat ay panatilihing malinis ang bahay lagi.

Paano gamutin ang pigsa?

  • Itanong sa doktor kung ano ang pwedeng inumin o ipahid na pain reliever sa pigsa lalo kung dumadaing nang pananakit ang bata.
  • Kapag hindi umeepekto ang antibiotic, sumailalim sa blood test at tingnan kung dapat dumaan sa minor surgery upang maalis ang pus o nana.
  • Panatilihing malinis ang katawan ng may pigsa. Mabilis ang pagkalat ng germs at bacteria kaya huwag itong bigyan ng pagkakataon na kumalat pa.
SHARE
Previous articlePahula 86: Mga suwerte sa’yo, alamin mo
Next articleChinese Horoscope May 12
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here