Moira dela Torre – Ang Bagong OPM Sensation

0
70

Siguro naman ay kilala mo rin ang 24-year-old na singer songwriter na si Moira dela Torre. Siya ngayon ang panibagong OPM sensation ng Pilipinas.

Sa Top 50 ng Spotify Philippines ay siya lamang ang nag-iisang OPM artist. Siya rin at ang kanyang kanta na Malaya ang number one sa Billboard Philippines. Hindi lang ‘yon dahil nasa number 2 naman ang kanyang isa pa niyang kanta na Titibi-tibo.

Si Moira ay unang nakita ng mga tao sa pinakaunang season ng The Voice Philippines. Siya ay nasa team ni Apl.de.Ap. Pero, hindi pinalad si Moira na makaabante pa sa mga susunod na rounds.

Una nating narinig ang napakagandang boses ni Moira dela Torre sa isang commercial ng Mcdo .

Hindi man pinalad si Moira sa The Voice, sinuwerte naman siya sa ibang paraan. Ang kanyang cover ng Torete at ang original soundtrack ng sikat na pelikulang Camp Sawi na Malaya, ang nagpasikat sa kanya. Sa ngayon ay kasali siya sa acoustic session sa ASAP tuwing linggo.

Noon 2014 ay nagsimula na siya maglabas ng mga sariling kanta tulad ng “Wala Nang Kulang Pa”, “Tell Me If You Love Me”, “Be My Fairytale”, “Tuwing Umuulan”, “Happily Ever After”, at “After Your Heart”.  Kumanta na rin siya ng iba pang mga sound track ng mga teleserye at mga pelikula.

Ang bagong niyang project ay ang pagkanta ng isa sa mga sound track ng teleseryeng The Good Son, “Sundo”.

Fan ka ba ni Moira? Inaabangan mo ba ang susunod niyang mga ire-release na kanta? Kung hindi ka na makapaghintay, manood ka na lang ng mga flawless na live performances niya sa Youtube.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here