MISTERYO TUNGKOL SA AGARTHA: Ang Sibilisasyon sa Ilalim ng Lupa (Unang Bahagi)

0
355
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Ang konsepto sa pagkakaroon ng nobelang ‘Journey to the Center of the Earth’  at ‘Journey To the Interior of the Earth’ ni French novelist na si Jules Verne ay may posibilidad na pinagkuhanan ng impormasyon.Ang naturang nobela ay nagawan ng pelikula.  Marahil nagtataka kayo kung bakit nakakagawa ng mga pelikula ang Hollywood sa Estados Unidos tungkol sa mga aliens, E.T, at mga underground civilizations. Sadyang nakamamangha ang paglalahad ni Verne sa kanyang isinulat na inilathala noong 1864.

Atin ilalahad ngayon ang isa pang misteryo sa daigdig na dapat nating malaman bilang dagdag kaalaman. Na kung saan, ang naisulat na nobela ni Verne ay sinasabi ng ilan na may katotohanan dahil sa isang pangyayari kaugnay dito noong 1957. Na ang isang hinuha o teorya ay ipinalalagay na ng ilan na totoo.

Ayon sa mga military historians, noong katapusan ng digmaan ng mga ‘German of Kiel’, mula sa mga submarino ay inalis ang mga torpedoes at nagkarga ng mga containers na may ilang cargoes. Karagdagan pa, may lulan ding mga pasahero ang naturang 38 submarino. Ayon sa tala, nasa isandaan mahigit ang mga pasahero bilang pagtugon sa ‘Operation Highjump’. Ito ay kaugnay na rin sa polar research.

Nangyari ito noong ng Pebrero 1947 upang alamin ang nangyari kung saan nawala at ang 68 sailors ng U.S navy at ilang opisyales nito pati na rin ang Destroyer Murduck. Ito kasi ay nasira ng isang aircraft carrier type na Casablanca. Ang naturang eskpedisyon ay tumagal ng 6 na buwan. Dalawang buwan ang tinagal nila sa Antartica na ikinabahala ng kinauukulan. Sa kongreso ng United States ay inihayag na ni US Navy Lt. Com Richard E.  Byrd sila ay inatake ng flying saucer na likha ng Nazi. Kung kaya ay tumanan sila ng mabilis upang maiwasan ang mga ito. Ang operation nila ay sinabi niyang nasa protocol na military one. Ito ang lihim na agenda ng kanyang paglalakbay.

Bilang isang aviator, nilakbay ni Byrd ang Atlantic, Artic, at kauna-unang nakatawid sa magkaibang rehiyon sa papamagitan ng aircraft.  Noong siya ay nasa North pole, ang admiral ay sakay ng eroplanong Vought V-7 Seaplane at napadpad sa isang butas at tinungo ang loob nito.

Matagumpay naman na nakabalik siya noong ginalugad ang misteryosong pook sa ilalim ng lupa noong buwan ng Pebrero 19, 1947. Siya lamang ang nakasaksi sa lihim ng naturang pook.

Kung kaya noong taong 1956 sa kanyang muling pinangunahang ang isang ekspedisyon sa Antartika noong ika- 13 ng Enero ng taong ding iyon. Tahasang inihayag ni Byrd sa mga radio stations na ilang American team ang nagawa ang 4320 kilometrong paglipad sa McMurdo Sound na matatagpuan sa 640 km west ng South Pole. Mula rito, dumako sila sa 3680 km sa ilalim ng pole. At noong Marso 13, 1956, inihayag ni Byrd na ang isinagawang ekspedisyon ay nakatuklas ng bagong kabihasnan. Nakikipagtalastasan umano siya sa kinauukulan habang nasa ilalim ng bagong mundo o empty planet sa ilalim ng lupa sampu ng kanyang mga kasamahan.

Nang marinig ang pahayag niyang ito, maraming mga Amerikano ang nagpahayag ng emosyon at opinyon patungkol sa ekspedisyon ni Admiral Byrd. Dahil dito, kinilala siya bilang ‘World’s Largest Explorer’. Ang kanyang mga pahayag ay nakapukaw ng interes tungkol sa bago umanong lupa o sibilisasyon doon.

Ang kakatwa, hindi na muling nagpakita si Byrd sa publiko na marahil ay pinagbawala ng gobyerno. Anu-ano ba ang nasa loob ng Hollow Earth na Agartha at anu-ano ang nakita ni Admiral Byrd doon batay sa kanyang diary na ‘The Inner Earth? Na tinatawag na ‘Agartha’.

Aniya, sa naturang pook ay may inner sun (marahil ay nag-aapoy na magma sa loob ng inner core). Aniya, ang pole ng mundo ay bilog at hindi pakurba. Maaari umano lumipad ang mga eroplano sa loob nun at makalayag ang mga barko sa tubig o dagat na nasa loob ng inner earth.

Inihayag ng American press ang tuklas ni Byrd na lubhang nakapagbigay ng sorpresa sa madla at sa kinauukulan noong late 1950’s. Ang patnugot ng Flying saucer magazine na si Ray Palmer ay inihayag ang lahat ng natuklasang nakasaad sa diary ni Byrd. Ang gobyerno ng U.S ay bumili ng kopya ng libro at ang ilan ay ninakaw, sinira ang ilang kopya at plates sa printing press.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne Youtube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here