MISTERYO SA LUNGSOD NG CYDONIA SA PLANETANG MARS

0
218
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Ang misteryo tungkol sa pag-iral ng mga aliens ay malaon nang pinagtatalunan. Sila ba ay totoo o guni-guni lamang. Tayo lamang ba ang nabubuhay na kinapal sa sansinukob na mayroong halos humigit-kumulang na 100 galaxy at 100 bilyong mga bituin? O mayroon pang ibang mga nilalang bukod sa atin?

‘O kaya ay may ibang sibilisasyon ng human race sa ibang planeta sa ibang galaxy? Kung ang kasaysayan ba nila ay patapos na, nagsisimula pa lang, o nasa kalagitnaan na?  Kung meron man, huli kaya o mas advance ang kanilang teknolohiya at karunungan kaysa sa ating mga taga-planet Earth? Iyan ay isang palaisipan na ng sangkatauhan sa nakalipas na 5,200 taon.

Kung may naglalabasan mang mga kakatwang nilalang galing sa kalawakan para paniwalain tayong mga tao na hindi lamang tayo ang nabubuhay sa sansinukob, iyan ay isang manipulasyon ayon sa iba. Isang kasinungalingan na ang maylikha ay ang diyablo.. Ang tanong ng nakararami, kung mayroon nga talagang alien noon pa, bakit walang matibay na dokumentong nagpapatunay na sila nga ay umiiral?

Walang matinong TV footage o panayam sa kanila sapol pa noong nagdaang ika-20 siglo. Ginagalugad ng mga astronomer ang kalawakan at tumutuklas ng planetang posibleng pinananahan umano ng mga alien. Isa na nga rito ang ‘Serpo Project’. Pati ang planetang Mars ay sinasabi ng ilan na pinananahan umano ng mga kakatwang nilalang dahil sa mga natuklasang bakas ng relikya, mga pyramids, mukha, at mga gusali sa natuklasan umanong siyudad sa Mars.

Ang naturang umanong siyudad sa naturang planeta ay tinatawag na ‘Cydonia’. Sa nasabing rehiyon, natuklasan ng NASA sa pamamagitan ng The Viking Mars noong 1976 ang 1,500 talampakang taas na mukha. Subalit, napatunayan sa isinagawang pananaliksik na pink eng ilan sa mga taga- NASA noong mga panahong iyon ang mukhang nakita sa Cydonia. Subalit, ang ilan sa nakitang imahe ng mukha na gaya ng tao ay naroroon pa rin daw hanggang ngayon kapag nasisinagan ng sikat ng araw. May natuklasan ding mga pyramid at sphinx na pinaniniwalaan ng mga siyentipiko na likha ng alien civilization.

Ang ilan sa nakalap na larawan na itinabi ng NASA hanggang ngayon ay puno ng anomalya. Isa sa mga ito ay ang five sided pyramid na may 2 milyang lapad na nasa 1/360th ng martian polar diameter. Ang naturang pyramid ay nakaharap umano sa natuklasang giant face na parang gayak ng isang Ehipsiyo. Natuklasan din ang isang lungsod na ang lahat ng istraktura ay sinasabing may perpektong sukat ng equilateral triangle.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne Youtube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here