MISTER NA FEELING POGI, ‘WA NA TRABAHO, NAGTAKSIL PA

0
631
Dear Maria: Advice column on PhilippineOne

Dear Maria,

Sabi ni Andrew E. sa kanyang kanta, kapag pangit ang pinili mong mahalin hindi ka masasaktan pero mali siya. Ang ex-husband ko kasing feeling pogi, nagawa pa kong pagtaksilan. Kapal ng mukha! Wala na ngang trabaho, nagrereklamo pang lagi siya ang gumagawa ng gawaing bahay tapos, ang pera ko ginasta pa sa pambababae niya. Bakit ba may mga tao na saksakan ang kapal ng mukha? Nakakainis at nakakagigil. — Rina

 

Rina,

Sa palagay ko, pride mo lang ang higit na nasaktan kaysa ang puso mo. Biro mo, habang nanggigigil ka ang mga sinasabi mo ay ang kapintasan ng ex-husband mo. Mahal mo ba siyang talaga o nawalan ka lang ng katulong dahil nagkaroon siya ng iba? Huwag mong isipin na kinakampihan ko siya, walang lalaki na dapat na manloko ng asawa. Nakakagigil talaga iyon. Kaya nga lang, may pagkakataon na may dahilan kaya siya naghanap ng iba. Baka naman kasi nawawalan kayo ng bonding moments. Maaari ring dahil ikaw ang nagtatrabaho, nagagawa mo iyong isumbat sa kanya. Kung ganoon nga ginagawa mo, talagang maa-out of love siya sa’yo. Pero, bakit nga ba wala siyang trabaho? Hindi ba siya nakapagtapos? O baka naman tamad siya at ang gusto lang niya ay humilata at may bumuhay sa kanya. Kung ganoon ang gawain niya, kahit hindi siya nambabae, dapat mong iwanan. Dapat kasi ay magtulungan ang mag-asawa. Kaya nga lang, ng pakasalanan mo naman siya, siguro alam mo na kung anong ugali mayroon siya, hindi ba? Well, ganyan talaga kapag puso ang pinairal at hindi utak. Hindi na ito ang oras para sisihin ka pa. Move on ka na lang. Kung may anak kayo, sa kanila mo na ibaling ang iyong atensyon at pagmamahal kahil kailangan ka ng iyong anak o mga anak. Saka, kung ikaw lang naman ang nagtatrabaho noong time na nagsasama kayo ng mister mo, tiyak na makakaya mo pa rin ang responsibilidad ng isang ina. Iyon nga lang, kung maliliit pa ang iyong anak, kailangang may magbabantay sa kanila habang ikaw ay nagtrabaho. Sana sa mga sinabi ko ay nagawa ko ring pagaanin ang iyong loob. Isipin mo na lang din na ang mister mo ay isang nilalang na feeling Prince Charming pero ng halikan mo ay naging palaka. Kaya, huwag mo na siyang isipin pa, masasaktan ka lang at maba-badtrip. Mag-concentrate ka na lang sa pagtatrabaho at pagiging ina.

Written by Maria Angela Gonzales

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here