Miss Universe Gloria Diaz, Guest Star sa Isang Netflix Series

Tunay na Filipina pride hindi lamang sa pagiging unang Filipina Miss Universe noong 1969, si Gloria Diaz rin ay guest star sa upcoming season sa Netflix series na “Insatiable”.

Nauna nang inanunsyo ni Gloria Diaz noong Mayo, makakasama niya sa season 2 ng series na ito sina Debby Ryan na gaganap bilang Patty Bladell at Dallas Roberts bilang Bob Armstrong. Kaabang-abang ang magiging role niya sa season 2 ng “Insatiable” na sa unang pasilip ay makikitang in-character ang pagiging Miss Universe niya habang naglalakad sa hotel lobby at nakasuot ng isang magarang white suit.

Ang “Insatiable” na nagsimula noong August 2018 ay kwento ng isang teenager na si Patty Bladell na nakaranas ng bullying dahil sa pagiging overweight nito. Matapos ang isang aksidente, nagresulta ito upang mabawasan ang kanyang timbang at makilala ang isang beauty pageant coach na si Bob Armstrong kung saan nakita nito ang potential ng dalaga na maging “soon to be” beauty queen.

Magsisimula na ang Season 2 ng Netflix series na ito sa October 11 at ang mga Pilipino ay nabigyan ng pagkakataon na mapanood ng libre ang Season 1 simula October 2. Bilang karagdagan, nakatakdang dumating sa Manila ang casts ng “Insatiable” sa October 8 kasama si Ms. Gloria Diaz na inaasahang magsasagawa ng isang meet and greet event.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here