Misis, nag-DH sa UAE… SI MISTER, BINALIKAN ANG EX-GF AT IBINAHAY

0
147

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

NAKAKALOKA talaga ang mga lalaki, ang kakapal ng mukha. Kung lalaki ka, huwag ka munang masaktan sa aking sinabi dahil ang tinutukoy ko lang naman ay ang manloloko. ‘Yun bang tipong mayroon ng karelasyon tapos makukuha pang maghanap ng iba matapos mong ipagkatiwala ang pera mo sa kanya. Hay naku, buti na lang, mahal na mahal ako ni Dhie ko kaya talagang hindi ko na kailangan pa ng tunay na lalaki. Marami kasi dyan na lalaki nga, hindi naman marunong magpakalalaki.

Etong kuwentong OFW ko ngayon ay talaga namang nakakadurog ng puso. Biruin mo ba naman, nagtiwala itong si Elizabeth Poras sa kanyang mister, nagpapadala siya rito ng malaking bahagi ng kanyang pera tapos malalaman niya na itong hinayupak na mister niya ay mayroon ng kinakasama. Ang masakit pa, pinatira pa ng lalaking iyon ang kinakasama sa bahay na ipinundar ni Elizabeth.

Shucks talaga, anong klaseng lalaki ‘yan? Ang baboy. Hindi lang iyon, ang kapal pa ng mukha. Biro mo, ang perang pinapadala ni Elizabeth ay ginagastos niya para mabuhay niya ang kanyang babae. Kunsabagay, hindi naman niya magagawa iyon kung pagta-tricyle lang naman ang kanyang trabaho. Uy, ‘di ko naman sinabi ito dahil nilalait ko ang kanyang trabaho. Marangal naman na trabaho ang pagtatricycle, lalo na kung sa’yo ang tricycle. Kaya lang, kung ang nilolokong misis mo naman ang bumili, ang KAPAL KAPAL KAPAL ni Manong.

Kung hindi ka na masaya sa misis mo, hiwalayan mo na siya. Huwag mo na siyang lokohin pa. Eh, kakaiba itong tigas ng mukha ng mister ni Elizabeth. Hinintay lang na makaalis ang misis tapos ibinahay na ang ex-girlfriend. Mabuti na nga lang at may concern citizen na nagsabi kay Elizabeth kung anong ginagawa ng kanyang mister sa Pilipinas.

Masakit siyempre kay Elizabeth ang pangyayari na iyon. Biruin mo, ang gusto lang naman niya ay magkaroon ng magandang buhay para pagtanda nila ay wala na silang poproblemahin kaya lang ang magaling niyang mister ay nagpatira ng babae sa bahay nila. Hay naku, may pagkakataon na gusto niyang idemanda ang mga hinayupak kaya lang naisip niya na sasakit lang ang ulo niya. Baka kung ano pang gawin sa bahay nila kaya hinayaan na lang niya tutal naniniwala naman siya sa karma.

Sa ngayon ay itinuon na lang muna niya ang pagtatrabaho bilang DH sa UAE. Mabait naman ang kanyang amo kaya masasabi niyang masuwerte pa rin siya sa kabila ng nangyari sa kanila ng ex-husband niya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here