Mga Uri Ng Tao Na Dapat Mong Makasama

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Kadalasan, ang isang tao ay napapasama o napupunta sa maling direksyon ng buhay dahil sa mga tao rin na pinipili niyang makasama. Kahit na gaano kabuti pa siyang napalaki ng kanyang mga magulang kung siya naman ay mapapalibutan ng mga maling tao, mas malaki ang posibilidad na siya ang mahila ng mga ito kaysa siya ang makaganyak sa kanila. Kaya naman hangga’t maaga, habang siya ay nasa matuwid pang landas, dapat na niyang malaman ang uri ng mga tao na dapat niyang makasama sa bawat bahagi ng kanyang buhay.

Passionate.

Ito yung uri ng tao na anuman ang mapili niyang gawin ay nandoon yung passion niya. Yung pagmamahal niya sa kanyang ginagawa. Kaya kung isasama mo siya sa iyong listahan ay magkaroon ka rin ng damdamin sa ginagawa mo sa iyong buhay. Yung gusto mo talaga at makakapagfulfill sa kalooban mo.

Open-minded

Ito naman ang uri ng tao na bukas ang isip sa lahat ng bagay.Positibo man ‘yan o negatibo ay makakaya niyang i-handle dahil kaya niya itong unawain. Kung makakasama mo siya sa iyong buhay, baka magkaroon ka rin ng malawak na pagtingin sa mga bagay bagay kahit pa sa mga bagay na mahihirap intindihin.

Inspired

Ang taong inspired sa kanyang buhay ay malakas makahawa ng kapositibuhan. May maganda siyang pananaw sa mundo.Alam niya ang buting maidudulot ng bawat gawain na may puso. May paniniwala siya na maraming magagandang bagay ang nakukuha sa pagsisikap. Madalas ay naaappreciate niya ang mga hindi naaappreciates ng iba. Para sa kanya, ang mundo ay puno ng inspirasyon na makapagpapaaliwalas ng buhay.

God fearing

Pinakamahalaga sa lahat na piliin mong makasama sa buhay ay ang tao na may takot sa Diyos. Hindi lang basta madasalin kundi siya ay may matibay na pananalig sa Diyos. Sa pamamagitan niya ay marami kang mare-realize na mas mahalaga sa buhay kaysa sa materyal na bagay. Kung siya ay may takot sa Diyos ay mas malamang na puro kabutihan ang kanyang magawa kaysa kamalian. Malaki ang posibilidad na maakay kaniya sa tamang daan. Mag-ingat lamang sa mga nagpapanggap na God fearing person.

SHARE
Previous articleANG MISTERYO TUNGKOL KAY ‘SPRING HEELED JACK’ ( Part 1)
Next articleHindi mo matuturuang magbasa ang isang bata at mas makakabuti ba ang pagpapanuod ng video dito?
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here