MGA URI NG BODY PAIN NA MAY KINALAMAN SA ESTADO NG ATING DAMDAMIN AT KAISIPAN

1832

Napaka-hectic na ng buhay ngayon, hindi katulad noong araw na payak at simple lamang. Masyado nang maraming iniisip at inaalala ang mga tao na siyang pangunahing dahilan ng stress at fatigue.

        Narito ang ilan sa karaniwang body pain na ating nararanasan. Ito ay may kaugnayan sa kalagayan ng ating emosyon at kaisipan.

        Alin sa mga ito ang lagi mong nararanasan?

1.   Pananakit ng ulo—Ito ay paalala na sobra na ang stress na iyong nararamdaman. Kung hindi mawala ang pananakit ng ulo, ipinapayong magpahinga at uminom ng maraming tubig.

2.   Pananakit ng leeg—Kailangan mong ikonsidera ang iyong relationship. Ang neck pain ay nakaugnay na mga sama ng loob na karaniwang kinikimkim natin sa ating kapareha, kaibigan, at mga tao sa ating paligid. Huminga ng malalim. Forgive.

3.   Pananakit ng balikat—Pahiwatig na ikaw ay may emotion burden. Ikaw ay may damdaming hindi maibulalas. Be open. Baka kailangan mo na ring umiwas sa mga toxic people sa iyong paligid.

4.   Pananakit sa upper back—Karaniwan ito sa mga taong dumaranas ng loneliness, rejection, at isolation. Kung laging nanakit ang itaas na bahagi ng iyong likuran, ikaw ay nakararamdam ng lack of emotional support. Kailangan mo ng isang kaibigang ka-level ng iyong mind wave.

5.   Pananakit sa lower back—Pahiwatig ito na mamumroblema ka na sa budget.

6.   Pananakit ng kasukasuan—Sinasabi na ikaw ay nakararamdam ng matinding pagkabagot. Panahon na upang lumabas sa comfort zone at gumawa ng mga bagay na makapagdagdag ng excitement at thrill sa iyong buhay.

7.   Pananakit ng mga kamay—Sinasabi nito na hindi na balanse ang iyong social life. Kailangan mo  nang makipag-meet sa iyong mga kaibigan, kumain sa labas, manood ng sine. Makipag-bonding sa iyong pamilya.

8.   Pananakit ng baywang—Senyales ito ng nawawalan ka na ng tiwala sa iyong sarili. Pinanghihinaan ka ng loob na magpatuloy sa iyong buhay. Kailangan mo nang humingi ng isang makabuluhang payo sa isang life coach, religious leader, guidance counselor, psychologist, o kahit sa kaibigang tunay at lubos mong pinagkakatiwalaan.

9.   Pananakit ng mga tuhod—Masyado nang mataas ang mga standard at goal mo sa buhay at tila imposible nang maabot. I-reasses mo ang iyong sarili. Maglaan din ng panahon upang maglakad-lakad sa parke at ire-connect ang sarili sa nature upang magkaroon ng kaliwanagan ang iyong isipan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here