Mga Uod Sa Panaginip

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Nakakita ka na ba ng sandamakmak na mga uod sa iyong panaginip? Kung nandidiri o takot ka sa mga uod, siguradong kikilabutan ka kahit sa panaginip mo lang ito makita. Baka hanggang sa paggising mo ay kinikilabutan ka pa rin. Pero huwag kang masyadong mag-alala dahil hindi ka naman sasaktan ng mga uod sa iyong panaginip. May dalawang bagay lang itong nais ipahiwatig sa’yo, dalawang mensahe na may kaugnayan sa maaari mong kaharapin. Ito ay may kinalaman sa’yo at sa tao na bahagi ng buhay mo.

Negatibong pakiramdam

Una, ito ay may kinalaman sa iyong damdamin. Ikaw ay makararanas ng isang hindi maipaliwanag na kalungkutan. Yung tipong ang tingin mo sa sarili mo ay napakahina. Isang mahinang nilalang na maikukumpara sa isang uod. Mabagal ang paggapang at tila walang lakas para lumaban o para ipakita sa lahat ang kakayahan. Ibig sabihin ay mawawalan ka ng tiwala sa sarili. Maaaring ang dahilan nito ay isang sitwasyon na kasusuungan mo kung saan ay bababa ang tingin mo sa sarili. Hindi magiging maganda ang epekto nito hindi lang sa’yo kundi pati na rin sa mga taong nakapalibot sa’yo. Kapag napakaraming uod ang nakita mo sa panaginip ibig sabihin ay hindi lamang iisang tao ang magiging dahilan ng iyong kalungkutan.

Pagtatraydor

Ang ikalawang mensahe ay may kinalaman sa relasyon mo sa isang tao. Pwedeng sa isang kaibigan, kamag-anak, katrabaho o mahal sa buhay. Isa sa kanila o higit pa ang nakatakdang magsinungaling sa’yo. Malaki ang posibilidad na mapaniwala ka  sa sasabihin niya sa’yo tungkol sa isang partikular na bagay. Kung gaano karami ang uod na makikita mo sa panaginip ay ganoon din karami o kalawak ang damage na maidudulot ng pagtatraydor na ito sa buhay mo.Kahit na anong gawin mong pagresolba ay hindi mo agad mahahanap ang solusyon sa halip ay dadaan ka muna sa masalimuot na mga pagdedesisyon. Ang panlolokong ito ang siyang magbubukas din sa mga mata mo kung sino lang talaga ang mga tao na dapat mong pinagkakatiwalaan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here