Mga Taong Singko, Nagbibigay Ng Suwerte Sa Negosyo

Sa maniwala ka at sa hindi, ang mga Taong ipinanganak sa petsang 5, 14 at 23 ay masusuwerte sa negosyo. Kahit pa sabihing wala naman silang negosyong hinahawakan. Ito ay dahil sa mismong nasa kamay nila ang suwerte kaya may negosyo man sila o wala, nakapagbibigay sila ng suwerte sa isang negosyo.

Kung ikaw ay mayroon tindahan, mas maiging makipagkaibigan ka sa mga Taong Singko para maambunan ka ng suwerteng nasa kanyang kamay. Kung palagi siyang bibisita sa tindahan mo at siya ang unang magiging customer mo, sinisiguro ko sa’yong susuwertehin ka ng labis-labis sa buong maghapon.

Ngunit kung ang Taong Singko ay makaagbibigay sa’yo ng suwerte, maaari rin siyang makapagbigay ng kamalasan sa’yo. Mangyayari ito kapag pinasama mo ang kanyang loob o nagalit siya sa’yo. Kaya, huwag na huwag mo siyang bibigyan ng anumang dahilan para magkaroon siya ng negatibong pakiramdam sa’yo.

Kung talagang mahal mo ang iyong negosyo ay hindi mo hahayaang magkaroon ka ng anumang aberya kaya kailangan din naman ay lagi kang ngumiti sa’yong mga customer. Higit pa sa taong nagbibigay sa’yo ng suwerte at ito ay ang Taong Singko. Dahil kapag patuloy ang magandang relasyon ninyo ng Taong Singko ay atuloy ka ring susuwertehin,

O, ano bang gusto mo, suwerte o malas?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here