Mga Taong Sinasaniban, May Katotohanan Ba?

May mga nilalang na kahit na nasa ibang dimensyon na ay ibig pa ring makabalik sa ating mundo. Ang tinutukoy ko ay ang mga kaluluwang hindi matahimik dahil sila ay pinatay o ginahasa. At dahil sa hindi pa sila handang umalis sa mundong ito ay nagpapagala-gala lang sila. Ang mga nilalang na ito ang tinatawag na kaluluwang ligaw.

Maaaring sa panahon na ito ay hindi maniniwala ang marami kapag may mga taong nasasaniban. Iniisip kasi nila na nagda-dama lang ito at kaya may nagbi-video at  todo-todo ang ‘pag-i-effort’ ng pagsisigaw at pagwawala ay dahil gusto lang mag-trnding ang nangyayari sa kanya. Kung magba-viral nga ang kasi ang pangyayaring iyon ay posibleng kumita ng limpak-limpak na salapi ang nagma-may-ari ng pahinang iyon.

Ngunit,hindi naman lahat ng tao ay gusto lang magkapera. May ilan pa in naman ang gustong magpakita lamang ng katotohanan at ibig patunayan sa lahat na may mga tao talagang sinasaniban ng mga nilalang na hindi matahimik o kaya naman ay kung anu-anong elemento. Sila ang mga taong may mahihinang kaisipan at pangangatawan.

Ang kahinaang tinutukoy ko ay hindi dahil sa ibig kong manghamak ng ibang tao. Ang gusto kong sabihing mahihina ay iyong mga taong may matinding problemang pinagdaraanan o kaya naman ay palaging walang laman ang sikmura. Sila ang mga taong madaling lapitan ng mga nilalang na gustong makapasok sa mundo natin.

Kaya, kung may nakikita kang ‘nasasaniban’ huwag kang masyadong maging mapanghusga. Hindi mo masasabing siya ay talagang gumagawa lamang ng palabas dahil ibig magkapera. Baka dahil diyan sa pagiging mapanghusga mo ay mamalayan mo na lang na iba na ang iyong tinig o kaya naman ay hindi mo na nagagawang kontrolin ang iyong galaw dahil may ibang nilalang na ang kumokontrol sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here