Mga taong dapat magkaroon ng pag-asa

166

February 25, 1986 ang kaarawan ko. May pag-asa pa bang maghihintay sa akin? — Julius

Julius,

Lahat naman ng tao ay dapat na magkaroon ng pag-asa. Huwag na huwag kang mawawalan ng  pag-asa dahil ‘yan ang tuluyang magpapabagsak sa’yo. Kailangan ay matuto kang kumapit sa paniniwala na makaaahon ka sa kahirapang iyong kinasasadlakan. Mas magiging madali naman ang iyong tagumpay kung may tao kang makakasama. Maigi kung siya ay Taong Singko dahil ikinukunsidera itong strong number kaya kung kinabukasan ang pag-uusapan, malayo ang kanilang nararating. Kung may talento kang ipagmamalaki gaya ng pagluluto,pagbi-bake o pagsusulat, makabubuti kung magapatulong ka sa Taong  Singko.

November 17, 1995. Magiging happy ba ako sa piling ng mahal ko gayung isa lang akong kabit? — Maribeth

Maribeth,

Habang magkasundo kayo ng mahal mo, magiging happy kayo. “Yun nga lang, lahat ay may hangganan. Mangyayari ito kapag dumating na ang araw na di na kayo nagkakasundo. Alalahanin mo kabit ka kaya magagawa ka rin niyang iwanan. Dapat ay paghandaan mo ang pagdating ng panahon na iyon. Ito ay para rin di ka na masaktan ng lubos. Salka may lalaki pa namang nakalaan sa’yo at siya ang mamahalin mo sa habambuhay. Kaya, masasabi kong  hindi ang mahal mo ang nakatakda para sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here