Mga Suwerteng Matatagpuan sa Pagkain ng Isda

Nakakatuwang isipin na ang pagkain ng isa ay hindi lang makapagbibigay sa atin ng kabusugan at sustansiya kundi maaaring maging dahilan pa nito na mabago ang ating buhay. Alam mo ba kung paanong mangyayari iyon? Basahin mo ng husto itong artikulong Mga Suwerteng Matatagpuan sa Pagkain ng Isda

Una, maging maingat sa pagkain. Hindi porke gutom na gutom ka na ay kakainin mo na lang ang isda mo na walang direksyon. Hindi maaaring basta mo na lang kainin kung gusto mo talagang swertehin sa buhay. Ang paraan ng pagkain na dapat mong gawin sa isang buong isda ay uumpisahan mo sa buntot hanggang sa ulo nito. Sa pamamagitan noon ay magiging pasulong ang buhay mo. Sa madaling  salita papaangat ka.

Pangalawa, huwag magbabaliktad ng isda. Mas makabubuti raw na alisin mo na lang ang tinig na nakapagitan sa mga pisngi ng isdang iyong kinain dahil ang kahulugan daw nito ay pagtatanggal din sa mga hadlang na maaaring humarang sa mga magagandang pangyayaring makukuha mo sa mga susunod na araw

O, nais mo nga ba talagang pagpalain ka sa mga susunod na araw? Bakit, hindi mo gawin ang mga paraang ito. Wala namang mawawala sa’yo, hindi ba. Katunayan ay magbibigay pa nga ng  suwerte kung talagang gagawin mo ang mga ito. Kaya, bakit mag-aalangan kang subukan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here