Mga Suwerteng Kulay Sa 2020

Sa pagpasok ng 2020 ay maghahari ang mga taong isinilang sa taon ng mga daga. Year of the rat. Kung medyo hindi sila binwenas sa nagdaang taon, ngayon naman sila ang siyang magbubunyi at mamamayagpag. Kaakibat nito ang mga masuwerteng kulay para sa taon na ito.

ASUL- Isa ang asul o classic blue sa tatlong masuwerteng kulay sa papasok na taon. Ang blue ay sumisimbolo sa loyalty, integrity, trust at peace. Ito ang maaari mong makamtan kung pipiliin mo ang blue sa tatlong masusuwerteng kulay.

BERDE- Isa rin sa sinasabing masuwerte ngayon ang color green na sumisimbolo naman sa balance and growth at self reliance. Kaya kung ito ang gusto mong ma-achieve i-push mo ang kulay berde sa’yong damit, pintura ng bahay o kulay ng mga gamit like curtains, sofa and mantel.

GOLD- Kung gusto mo naman na ikaw ay magtagumpay sa anumang karera mo ngayon, maka-achieve ng iyong goals at magwagi sa anumang laban, piliin mo ang kulay na gold. Isa ang gold sa tatlong masuwerteng kulay ngayong year of the rat.

Ang blue, green at gold ang tatlong makukulay na suwerte na maaaring makatulong sa’yo para maakit mo rin ang suwerte papasok sa iyong buhay. Kung pagsasama-samahin mo ito sa iyong tahanan, mas malamang na ikaw a suwertehin nang higit pa sa iyong inaasahan. Pero tandaan na ang ikatatagumpay mo sa buhay ay hindi lamang nakasalalay sa mga masusuwerteng kulay. Dapat ka ring kumilos at gawin ang dapat mong gawin upang guminhawa ka at ang iyong pamilya. Kung ang mga kulay ay nakapagbibigay sa atin ng suwerte, mas malakas ang suwerteng nakakabit sa taong positibo kahit pa siya ay malagay sa gitna ng isang negatibong sitwasyon. Kaya kung puro positive energy ang bibigyang daan natin para makapasok sa ating tahanan, tiyak na ang mga suwerteng makulay sa taong ito ay higit na magiging aktibo at tila magnet na magpapanhik ng magandang kapalaran sa’tin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here