Mga Stress Na Nagdudulot Ng Depresyon, Paano Maiiwasan?

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

1.Problemang pangkalusugan

Unang-una na sa listahan ang probleman pangkalusugan. Sadyang mahirap harapin ang problemang ito lalo na kung ikaw ay mahirap na tao. Yung tipong iaagaw mo ang pambili ng gamot sa pambili ng pagkain. Kahit na ikaw pa ay may kaya sa buhay, kung uubusin naman ang pera mo sa pambayad ng bill kasabay ng pag-aalala sa iyong sakit o sakit ng kapamilya, talagang maii-stress ka. Para maiwasan ang ganitong senaryo, hindi porket malakas ka ngayon at walang nararamdaman ay magpapakampante ka na, dapat sa simula pa lang ay inaalagaan mo na ang iyong kalusugan. Dapat ay binibigyan mo na rin ito ng halaga kung mahalaga sa’yo ang buhay mo.

2.Pakikipagrelasyon

Sakit sa ulo ang pakikipagrelasyon na numero uno ring nagbibigay ng stress sa tao. Kaya naman dapat ay marunong ka maghandle nito. Dapat maging aware ka kung kelan ka dapat magpatuloy at huminto sa pagmamahal sa isang tao. Kung sa tingin mo ay wala ng pag-asa ang inyong relasyon at hindi na ito nagwo-work, dapat ka nang bumitaw upang makabitaw ka na rin sa stress na dulot nito. Huwag ipagpilitan ang hindi na ubra.

3.Trabaho

Kapag ang isang tao ay walang trabaho, nakakaramdam siya ng depression na para bang wala siyang halaga. Maliban na lang sa makakapal ang mukha na gustong gusto ang pagiging tambay. Kung stress ka na wala kang work, dapat lang na maghanap ka at maging wise ka sa paghahanap nito. Kapag naman nagkaroon na ng trabaho at na-loaded sa work ay stress pa rin ang dulot. Kung ganito naman ang senaryo mo, just take a break but don’t stop and never give up.

4.Bullying

Ang bullying ang isa rin sa nagbibigay ng malaking stress sa isang tao. Kapag siya ay nabubully, dito niya mararamdaman na parang siya ay naiiba at walang kwenta. Pero para makaalis ka sa ganitong sitwasyon, kakailanganin mo nang ilabas ang iyong super power. Get to know yourself more and treat yourself better. Kapag kilala mo na ang sarili mo, alam mo na kung saan ka magaling, kung nagagawa mo nang makiharap sa kanila ng taas noo, sila na mismo ang mahihiya na i-bully ka.

SHARE
Previous articleIba’t-ibang Kulay Ng Ahas Sa Panaginip
Next articleChinese Horoscope; Disyembre 2
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here