Mga Sintomas Na Ikaw Ay May AUD (Alcohol Use Disorder)

0
102
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

Ikaw ba yung tipong ang hanap sa handaan ay alak? Sandali muna, baka ikaw ay meron ng sakit na tinatawag nilang AUD o Alcohol Use Disorder. Narito ang mga sintomas nito.

1.Umiinom mag-isa. May mga tao na umiinom lang kapag may kainuman o okasyon. Pero kung ikaw ay umiinom kahitnag-iisa ka lang, ang ibig sabihin ay hinahanap hanap na ito ng iyong panlasa at katawan. Maaaring taglay mo ang sakit na AUD.

2.Umiinom ng patago. Kung ang alak naman ay ipinagbawal na sa’yo dahil ikaw ay may karamdaman na maaapektuhan nito o kaya naman ay pinagbawalan ka ng iyong karelasyon, ang tendency ay uminom ka ng patago. Yung hindi mo makokontrol ang sarili mo sa kauhawan mo sa alak kaya’t isisikreto mo na lang ito.

3.isinasama mo na ito sa iyong daily routine. Hindi dapat ito kasama sa iyong daily routine dahil may masama itong epekto sa katawan kung sobra pero walang makapigil sa’yo na before, during or after meals ay iinom ka ng alcohol. O kaya naman ay after work or before sleep bilang pampatulog.

4.Itinatabi mo ito sa isang espesyal na lalagyan. Yung feeling mo ay napakahalaga nito kaya naman doon mo ito itinatabi sa isang espesyal na lugar sa loob ng inyong bahay, halimbawa ay sa isang cabinet na maayos pero tago.

5.Nababalisa kapag hindi nakakainom. Nakakaramdam ka ng pagkabalisa at parang hindi kumpleto ang araw mo kapag hindi nasayaran ng alak ang iyong lalamunan. Yung pakiramdam mo ay lagi kang uhaw na uhaw at ang makakaalis lang ng pagkauhaw mo ay alak at hindi tubig. In short, ginagawa mo ng tubig ang alak.

6.Hindi ka na nag-eenjoy ng walang alak. Yung wala ka ng interes sa mga dati mong hobbies like basketball, volleyball o anupaman dahil mas nag-eenjoy ka na lang sa pag-inom may kainuman man o wala.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here