MGA SIMPLENG PARAAN PARA MAKAKITA NG ESPIRITU SA PALIGID

0
2164

Ang mga espiritu ay isang uri ng enerhiya sa anyo ng liwanag o spectrum na kahanay ng UV lights na hindi visible sa human eye sapagkat ang mga mata natin ay may lens na sumasala sa UV lights.

         Sadyang may mga tao na biniyayaan na makakita ng espiritu sa paligid. Ito ay dahil malakas at sensitive ang kanilang pineal gland.

         May tatlong simpleng paraan akong ituturo kung paano maaaring makita ang mga espiritu sa paligid.

  1. Sa pamamagitan ng hamog o fog. Pagmasdang mabuti ang hamog sa iyong kapaligiran. Unti-unti ay may makikita kang hugis. Nangyayari ito sapagkat ang energy at vibration ng mga espiritu ay kakaiba kaysa mga taong may pisikal na katawan. Ito ang dahilan kaya nag-iiba ang density ng hangin sa kanilang paligid.
  • Mag-meditate. Umupo sa tahimik na lugar. Pumikit at huminga ng malalim ng maraming beses. Alisin ang lahat ng aalahanin at anumang isipin sa utak. Unti-unti ay lilinaw ang vision ng iyong pineal gland. May makikita ka sa iyong isip o balintataw. Mahalaga na sa puntong ito, huwag magiging subjective sa iyong makikita. Magtiwala sa iyong psychic ability. Higit sa lahat,huwag matatakot.
  • Sa pamamagitan ng mirror gazing o water gazing. Ito ay ang pagtitig ng matagal sa salamin o sa isang palangga ng malinaw na tubig. Kung matatandaan, ang mga espiritu ay nasa anyo ng light energy. Sila ay liwanag na maaaring mag-reflect sa makikintab na bagay kung papaanong ang sikat ng araw ay nagri-reflect sa salamin o sa tubig.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here