MGA SIMPLENG LOVE RITUALS (GAYUMA) MULA SA IBA’T IBANG BANSA NA MAGAGAMIT UPANG MAPAIBIG ANG ISANG TAO.

0
2024

Bawat bansa ay may sariling kultura, at bahagi ng bawat kultura ang paniniwala sa mahika.

        Aking iisa-isahin ang ilan sa mga epektibong love rituals mula sa iba’t ibang bansa. Baka may mapulot ka na maaari mong subukan na mapapanood sa video.

Malamang ay may kokontra at magsasabi na tila kakatwa o kalokohan lamang ang mga love rituals na ito. Ngunit, pakatatandaan na ang mga rituwal na ito ay mula sa iba’t ibang kultura. Ang kultura ay salamin ng pamumuhay at paniniwala ng isang bansa, kaya hindi mo ito dapat husgahan. Maging sa ating bansa ay may ilan tayong kaugalian o kultura na malamang ay kakatwa rin para sa mga mamamayan ng isang bansa. Respeto lamang sa paniniwala ng iba ang pinakamahalaga.

Pangalawa, sa aking pag-aanalisa, karamihan sa mga love rituals na ito ay gumagamit ng kapangyarihan ng intention at law of attraction (ie., sweeting spell). Lagi kong sinasabi na wala nang lalakas pa sa kapangyarihan ng isip (power of the mind). Sa tulong ng tamang affirmation, magagawa mong realidad ang iyong pangarap.

Pangatlo, napansin ko rin na ang ibang rituwal dito ay gumagamit ng body fluids (ie., Nasi Kang Kang, Valentine’s Chocolate). Ang paggamit ng mga sangkap mula sa iyong katawan ay isa sa pinakamabisang paraan upang mapaamo ang isang tao. Sa sandaling maipasok mo sa katawan ng isang tao ang iyong body fluids (laway, ihi, dugo), ang inyong body components at DNA ay magiging isa.

Higit sa lahat, ang mga rituals na ito ay mahika. After all, magic is faith. Kung wala kang pananampalataya sa mahikang ginagawa mo, huwag mo na lang gawin dahil nagsasayang ka lang ng oras dahil hindi ito gagana.

Video can be found here: https://www.youtube.com/watch?v=i_qYMIHmmSw&feature=youtu.be

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here