MGA SENYALES NA INIISIP KA NG ISANG TAO, WALANG MINTIS!

4
3106

Kaugalian na nating mga Pinoy na kapag nangati an gating tainga, o kaya ay nasamid, tayo ay humihingi ng number sa ating katabi sapagkat diumano, ang number na ibibigay ay katumbas ng unang letra ng taong nakaisip sa iyo.

         Para sa ilan, ito ay malaking kalokohan. Ano naman ang kaugnayan ng pangangati ng tainga at pagkakasamid kung may nakaalala sa iyo?

         Ngunit, tatandaan na ang lahat ng bagay sa mundong ito (at sa buong cosmos) ay isang uri ng enerhiya. Ang mga enerhiya ay magkakaugnay at nakakaapekto sa bawat isa. Sa maikling paliwanag, ang ating utak ay naglalabas ng electromagnetic wave na maaaring masagap ng taong iniisip natin, dahil sa kaniya naman patungkol ang enerhiyang inilalabas ng iyong utak. Ang pangangati at pagkakasamid ay side effect lamang ng pagkakatanggap ng utak ng taong iniisip natin ng ating electromagnetic wave. Maihahalintulad ito sa pag-ring ng ating cell phone kapag may tumatawag sa atin.

         Ngayong malinaw na sa inyo kung bakit posible nga na mahiwatigan natin kung iniisip tayo ng isang tao, narito pa ang ilan  sa  mga palatandaan na iniisip nga tayo ng isang tao.

  1. Napaginipan mo ang taong iyon. Maaaring sabihin na kaya mo lang naman napaginip ang taong iyon dahil iniisip mo siya. At kahit hindi mo siya iniisip, subconsciously ay laman siya ng utak mo at nagma-manifest siya sa panaginip mo. Ngunit, kung sa panaginip, ang mukha niya ay napakalinaw at nakatitig lamang siya sa iyo at wala siyang ibang ginagawa, 101% ay iniisip ka ng taong iyong napaginipan. Kung ihahalintulad muli sa mga makabagong gadget, siya ay mistulang nagvi-video call sa iyo kaya malinaw mong nakikita ang kaniyang mukha.
  • Bigla-bigla ay sumagi siya sa isip mo. Walang duda, iniisip ka nga ng isang tao. Ito iyong tipo na napaka-busy ng araw mo. Marami kang ginagawa at talagang wala sa isip mo na isipin ang taong iyon. Pero bigla-bigla, sumagi siya sa isip mo. Senyales iyon na iniisip ka ng isang tao.
  • Nakagat mo ang dila mo. Kahalintulad rin ito ng pangangati ng tainga at pagkakasamid. Ang pagpasok ng electromagnetic wave sa utak mo ay naging sanhi upang gumalaw ang involuntary muscle mo sa katawan. Tatandaan na ang ating utak ang responsable sa paggalaw ng ating mga muscles at paggana ng ating mga nerves.

May alam ka pa bang kasabihan kung naalala ka ng isang tao? I-comment lang at ipapaliwanag ko kung posible nga.

4 COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here