Mga Sakit na Maaaring Makuha Mula sa Pakikipagtalik

0
182
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

Gaano ka nakakasiguro na 100% safe ang iyong sex life? Maaaring ikaw sa sarili mo ay nakakasiguro na wala kang maipapasang sakit sa iyong kapareha? E ang iyong kapareha, nakakasiguro ka ba? Bukod sa alam na alam na nating AIDS o HIV , meron pang ibang sexually transmitted infections na nakukuha ang tao mula sa pakikipagtalik. Ito ay ang mga sumusunod.

GENITAL WARTS. Ang genital warts ay ang mga butlig o tinatawag na kulugo na tumutubo malapit sa ari ng babae man o lalaki. Ito ay sanhi ng HPV (Human papillomavirus). Ito ang pinaka-common na STD. Hindi naman ito delikado at kusa ring natatanggal. Subalit ang ibang uri nito ay maaaring mauwi sa kanser. Ang genital warts ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng skin to skin contact kalimitan ay kapag nagtatalik.

GONORRRHEA. Ang gonorrhea naman o ang tinatawag nating tulo. Maaari itong maging sanhi ng pagkabaog ng isang babae. Hindi lang babae kundi nagkakaroon din nito ang lalaki. Ang sinuman na aktibo sa pakikipagtalik ay maaaring magkaroon ng gonorrhea. Ang sakit na ito ay posibleng magdulot ng malalang komplikasyon kung hindi malalapatan ng kaukulang medikasyon. Nakukuha ito mula sa vaginal, anal at oral sex. Ang babaeng buntis ay maaari ring makapagpasa ng sakit na gonorrhea sa kanyang sanggol.

SYPHILIS. Kung ikaw ay may syphilis, magkakaroon ka ng sugat malapit sa iyong ari.Hindi ito masakit kaya maaaring hindi mo ito mapansin. Kapag ganito pa lang ang sitwasyon, ang tawag sa stage na ito ay primary stage. Sa secondary stage naman, dito na maglalabasan sa iyong balat ang kung anu-ano na parang rash. Kapag ito ay hinayaan mo lang at hindi nagamot, maaari itong mauwi sa tertiary syphilis. Sa stage na ito ay posible nang maapektuhan ang iyong puso at utak kaya delikado ito. Madali rin itong maipasa sa iba.

Upang maiwasan ang mga ganitong sakit, kailangan na panatilihing malusog ang pangangatawan at malakas ang immune system. Kung malakas ang ating resistensya, malaki ang tsansa na ang mga ganitong uri ng impeksyon ay hindi makaporma sa atin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here