Mga Puno ng Kamatayan

coconut tree

Kung nature lover ka, mas gugustuhin mong manirahan sa lugar na napapaligiran ng mga puno. Kung may mga bunga kasi ito, hindi mo na kailangan pang bumili ng pagkain. Anumang prutas ay nakakabusog. Kung may tanim kang gulay, siguradong mas masagana na ang buhay mo sa iba na walang makain.

Ngunit, kahit na sobra kang nagagandahan sa matataas na puno ay mayroon akong babala sa inyo. Huwag kayong magtatanim ng magkatabing puno lalo na kung ito ay magiging mataas at payat. Kapag ipinikit mo kasi ang iyong mga mata ay mai-imagine mo rin sa’yong isipan kung anong uri ng puno iyon. At siguro naman ay mailalarawan mo rin sa’yong isipan ang hitsura ng dalawang matataas at payat na puno, hindi ba?

Ang hitsura ng puno na ‘yan ay walang ipinagkaiba sa mga kandila na nakatirik sa lupa o sa kung anumang lalagyan. Siguro naman ay alam mong hindi lang kapag brownout ginagamit ang kandila. Ang kandila rin ay simbulo ng kamatayan kaya kung mag-aalaga ka ng dalawang puno sa inyong bakuran para mo na ring inihahatid sa kanyang kamatayan ang kung sinuman ang dadaan sa mga punong iyon.

Hindi naman masama kung gugustuhin mong magtanim ng puno tulad ng buko sa inyong bakuran dahil masarap naman talaga iyon kaya lang huwag mo silang pagtabihin. Mas maigi kung maglalayuin mo sila at huwag papantayin ang mga ito. Para sa ganoon ay makaiwas sa banta ng kamatayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here