Mga Pelikulang Pasok Ngayon Taon Para Sa MMFF

660

Inilabas na ng Metro Manila Film Festival ang mga official entries para sa ngayon taon. Mayroon ulit walong kalahok na mga pelikula na maglalaban-laban para sa iba’t ibang kategorya.

Unang una na sa listahan ay ang “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” na produksyon ng Star Cinema at Viva Films. Ito ay ang official entry ni Vice Ganda para sa ngayon taon ng MMFF. Kasama niya rito ang Miss Universe na si Pia Wurtzbach at ang Teen King na si Daniel Padilla. Ito ay tungkol sa isang super hero at ang director nito ay si Bb. Joyce Bernal.

Pangalawa sa listahan ay ang remake na pelikula ni Coco Martin na “Ang Panday”. Star Cinema ulit ang may gawa nito at dito naman ay kasama nila ang CCM Productions. Kilala rin ang pelikulang ito sa pangalan na “Carlo J. Caparas : Ang Panday,”. Alam naman siguro ng lahat na ito ay unang lumabas sa komiks at naging pelikula na ginawa ng Da King na si Fernando Poe Jr. Ito ay tungkol sa superhero rin na si Panday. Ito na ang ika-pitong pelikula na base sa komiks na ito.

Isa pang crowd pleaser na pelikula nitong taon na ito para sa MMFF ay ang pelikula nina Bossing Vic Sotto at Dawn Zulueta na “Meant To Beh”. Ito ay produksyon ng OctoArts Films, M-Zet Productions, at APT Entertainment. Dinirek ni Chris Martinez, itong movie na ito ay ang reunion nina Vic Sotto at Dawn Zulueta pagkatapos ng 30 na taon. Ang huli nilang pelikula na magkasama sila ay fantasy comedy na “Okay Ka, Fairy Ko!” noong 1995.

Kung na-miss mo naman noong isang taon ang “Shake, Rattle and Roll” na franchise, itong pelikulang ito ang para sa’yo, “Haunted Forest” na gawa ng Regal Films. Ang director nito ay ang director ng isa pang sikat na franchise na “Mano Po 7: Chinoy” na si Ian Loreños. Ito ay isang horror movie na may konting romance. Pinagbibidahan ito nina Hashtags member Jon Lucas, James Blake, Maris Racal at Jane Oineza.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here