Mga Patay Na Buhay Sa Iyong Panaginip

7582

Hindi na siguro bago sa’yo ang makapanaginip ng isang yumao at sa iyong panaginip ay buhay na buhay siya. Alam mo ba ang ibig sabihin nito? Maaaring sa umpisa ay masasabik kang makitang muli ang mahal mo sa buhay sa pamamagitan ng iyong panaginip. Pero kung napapadalas ito ay mapapaisip ka na kung ano ang maaaring mensahe nito sa’yo. Narito ang ilang dahilan kung bakit mo siya o sila napapanaginipan.

1.Kaya siya ay iyong napapanaginipan,ito ay dahil sa hindi mo pa ganap na natatanggap ang kanyang pagkawala. Hindi pa nagsi-sink in sa’yong isipan na siya ay totally wala na at hindi mo na maaaring makita o marinig pa maging ang boses niya ng personal.

2.Isang dahilan din kung bakit mo siya napapanaginipan ay dahil sa sobrang pagka-miss mo sa kanya. May pagkakataon din na matagal nang namatay ang tao na napapanaginipan mo, ito ay kapag sumagi siya sa isip mo at ang kanyang mga alaala. Kaya hanggang sa panaginip ay nadadala mo ang pag-iisip sa kanya.

3.Kapag ikaw ay nasa gitna ng isang hindi magandang sitwasyon at nangangailangan ka ng payo, malaki ang posibilidad na mapanaginipan mo ang yumao na siyang madalas magbigay ng payo sa’yo tulad ng iyong magulang, kapatid o kaibigan.

4.Isa pang dahilan kung bakit mo napapanaginipan ang isang yumao ay dahil sa meron kang hindi sinunod sa kanyang bilin o payo na nais niyang ipaalala sa’yo. Kaya patuloy ka niyang dadalawin sa iyong panaginip hanggang sa masunod mo na ang nais niyang mangyari.

5.Sa iba pang interpretasyon, ang pagkakita mo sa kapamilya mong yumao na buhay sa iyong panaginip ay senyales ng isang nalalapit na malaking event o pagtitipon sa inyong pamilya.

6.May paniniwala naman na kung ikaw ay malapit nang ikasal o sinuman sa inyong pamilya at napanaginipan mo ang yumaong kamag-anak na malungkot ang mukha, ang ibig sabihin nito ay hindi magwowork-out ang mangyayaring kasal o haharap ito sa malaking pagsubok.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here