Mga Paraan Para Mapasigla ang Iyong Sex Life

226

Latest posts by Michèle Joie (see all)

Ang sex ay importante sa isang relasyon. Ang masiglang sex life ay hindi lamang mas makapagpapasaya sainyong dalawa, makakatulong din ito sa pagpatibay ng inyong koneksyon sa isa’t isa. Huwag hayaan na maging boring at paulit ulit ang inyong ginagawa. Subukan ang mga sumusunod para mas maging exciting ang inyong buhay mag-asawa.

1. Gumamit ng sex toy. Ang sex toy ay hindi lang puro dildo at vibrator, marami itong iba’t ibang klase na pwede ninyong pagpilian ng iyong partner. Merong ginawa para sa isang tao, at merong pareho ninyong mapapakinabangan. Kung hindi ninyo alam kung ano ang magandang subukan, pwede kayong tumingin muna sa mga sex stores para makita kung may makahuli ng inyong atensyon. Kung nahihiya naman kayong pumunta sa tindahan napakaraming online shops na pwedeng pagbilihan nito.

2. Manuod ng adult films. Ang porn ay hindi makatotohanan na basehan ng sex. Ang 35 anyos na asawa mo ay pwedeng hindi kasing flexible ng artista na pinapanuod ninyo o baka naman hindi kasing lakas ng iyong stamina ang lalaki sa video. Ngunit ang punto ng panunuod ay hindi para gayahin ang nakikita niyo kundi makakuha ng inspirasyon sa kanila. Pwedeng may mga bagay silang ginagawa na hindi niyo pa nasubukan, o baka may mga kategorya pala na nakakaturn on sainyo at pwede niyong panuorin habang naglalambingan.

3. Pumunta sa ibang lugar. Minsan, pakiramdam ninyo ay boring na ang sex dahil nasa parehong lugar niyo lang ito ginagawa lagi. Halimbawa, kung palaging sa loob lang ng inyong kwarto pwedeng ito ang rason kung bakit naging routine na ang inyong session. Pwede rin na hindi kayo makapag-express ng maayos dahil baka marinig ng kapitbahay. O baka naman dahil ayaw niyong madumihan ang inyong mga gamit sa bahay. Kung ganon, makakabuti ang pagpunta sa hotel kung saan pwede kayong mag-ingay, magkalat, at magmahalan ng walang ibang iniisip.

4. Magplano. Minsan ang rason ng tumatamlay na pagtatalik ay dahil lang sa wala na kayong oras sa isa’t isa. Madalas ito ay nangyayari sa mga magkarelasyon na parehong may trabaho o may mga anak, at ang oras lang para maglambingan ay bago matulog o kung kailan may pagkakataon. Hindi man ganoon ka romantic pero makakatulong kung ipaplano ninyo kung kelan kayo magtatalik, kung ano ang inyong gagawin, at kung saan. Bukod sa masisiguro niyong may sapat kayong oras, ang pag-iisip at paghihintay para sa araw na pinili ninyo ay dagdag din sa excitement.

5. Magdagdag ng ibang tao. Kung kayo naman ay talagang handang sumubok ng bago at mas extreme, baka kayo ay maging bukas sa ideya ng pagdadagdag ng ibang tao sa inyong sex life. Halimbawa ay ang pagkakaroon ng threesome o kaya naman ay partner switching. Ito ay magandang paraan para magkaroon ng bagong experience sa ibang tao pero habang kayo ay magkasama pa rin. Pero bago ito subukan, siguraduhin na handa na kayong dalawa na i-share ang inyong partner sa ibang tao. Marami ang nakakaramdam ng selos habang nasa kalagitnaan ng ganitong set up lalo na kung mas nabibigyang atensyon ang bagong kasama kaysa sa iyo, kaya mas mainam kung ito ay napag-usapan ng maayos bago subukan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here