Mga Paraan Para Mapakain mo ng Gulay ang Iyong Anak

0
376
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

Hirap na hirap ka na ba at hindi mo na alam kung anong gagawin mo kung paano mo mapapakain ng gulay ang iyong anak? Hindi lang ikaw. Marami sa atin ang hirap sa pagkain ng gulay maging ang mga matatanda na nasanay na sa karne. Alam naman nating lahat na iba ang sustansyang naibibigay sa atin ng gulay kaysa sa ibang pagkain. Kaya importante na makapasok ito sa ating katawan. Nakasalalay dito ang ating kalusugan lalo na ng mga bata. Kailangan nila ito habang sila ay lumalaki. Pero tulad ng nararanasan ng maraming magulang, sumasakit ang ulo natin sa pagpapakain ng gulay sa mga bata. Para sa kanilang panlasa , ito ay nakakasuka at hindi kayang tanggapin ng kanilang sikmura. Subalit huwag mawalan ng pag-asa, may paraan pa para mapakain mo sila ng gulay. Subukan mo ang mga paraang ito at baka sakaling makatulong sa’yo.

1.Maging isang halimbawa sa kanila. Kung nais mong mapakain sila ng gulay, dapat ay makita ka rin nila na kumakain nito at ipakita mo sa kanila na nasasarapan ka upang maengganyo sila.

2.Maging creative ka sa paghahain ng gulay sa inyong hapag kainan. Ang mga bata ay mahilig sa maganda, madisenyo at makulay na pagkain. Dapat na ganito ang maging diskarte mo. Konting paglalaro ng kanilang imahinasyon. Dapat ay maatract sila sa nakalagay sa kanilang plato.

3.Maari mo silang kuwentuhan ng mga alamat o anupamang kuwento na may kaugnayan sa gulay. Sa ganitong paraan ay malalaman nila ang advantage at disadvantage ng pagkain ng gulay. Gayundin ang mga posibleng mangyari kapag hindi sila kumain nito. Ang mura nilang isipan ay madaling maniwala sa mga kuwento.

4.Kung hindi pa rin nila bet ang gulay na nasa kanilang pinggan ay maari mong subukan na gawin itong juice. Mahilig sa mga makukulay na inumin ang mga bata. Kung magagawa mo ito na parang sa isang juice ay maipapasok mo ito sa kanilang katawan ng walang kahirap hirap. Siguraduhin lamang na maayos ang lasa nito at wala silang pait na matitikman.

5.Higit sa lahat, dapat ay nakapokus ang iyong atensyon sa pagpapakain sa kanila. Sa tuwing oras ng pagkain, kailangan mong i-off ang iyong cellphone o huwag munang makipag-usap sa kahit na sino habang sila ay pinapakain mo. Mahirap subalit kung ating pagsisikapan hindi magtatagal ay ating mapagtatagumpayan.

More Relationships

More Heritage

More Filipino Teens

More I AM FILIPINO

More TIPS

More K-Pop

More Beauty and Health

More Vegan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here