Mga Paraan Para Malaman Kung Crush Ka ng Crush Mo

0
155

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Noong kapanahunan natin na hindi pa uso ang mga makabagong gadget, medyo hirap tayong malaman kung gusto rin ba tayo ng tao na nagugustuhan natin. Kung hindi natin mahuhuli ang lihim niyang pagsulyap, ang mga sulat na lihim niyang pinapadala at mga pagpaparamdam na hindi masyadong halata ay hindi natin malalaman ang lihim niyang pagtingin, unless magkakaroon na siya ng lakas ng loob para sabihin ang nilalaman ng kanyang damdamin. Pero sa panahon ngayon na napakarami ng makabagong teknolohiya ang umiiral sa malawak nating mundo, siguradong hindi ka na mahihirapang tukuyin ang mga paraan kung paano mo malalaman na si crush ay may crush din sa’yo.

1.LIKER. Ang unang hakbang ay kukunin niya ang account mo sa social media, ipa-follow at i-a-add ka. Kapag tinanggap mo na siya ay dito na niya uumpisahang mag-explore sa mga nilalaman ng account mo. Ila-like niya lahat ng photos at post mo kahit walang kwenta. Pupusuan din niya ang mga selfie mo pero hindi ang photo mo na may kasama kang iba na nakakaselos para sa kanya. Kaya pansinin mo kung ang crush mo ay liker mo.

2.PATAMA POST. Dahil friend na kayo, iisipin niya na lahat ng post niya ay makikita mo, kaya naman magpopost siya ng mga messages at quotes na may patama ng pagkagusto niya sa’yo. Maaaring hindi mo ito mahalata sa umpisa pero siguradong kukutuban ka at deep inside ay kikiligin ka. Pansinin mo ang mga patama post ng crush mo.

3.BASHER. Hindi porket basher ay galit na talaga sa’yo. Minsan ay susubukan niyang i-bash ka kapag hindi ka niya nakuha sa pagpapa-cute niya. Iba-bash niya ang mga post mo para mapansin mo siya. Kapag napansin mo na siya ay saka siya hihingi ng tawad at susubukan na mas maging malapit pa sa’yo. Pansinin mo ang next move niya after ka niyang i-bash.

4. SWEET CONVO. Sa mga unang chat niya ay parang wala lang. Pero once na magkaroon kayo ng next convo na nasundan pa ng another convo, mapapansin mo na unti-unti na siyang nagiging sweet sa’yo. Naggu-good morning na siya sa’yo at nagu-goodnight na rin. Pansinin mo ang mga emoticon na ginagamit niya sa chat nyo.

5.AAYAIN KANG LUMABAS. Maaaring hindi niya sabihin ang tunay niyang pakay, basta’t aayain ka lang niya na magkape o kaya naman ay lumabas para maglibang. Syempre papayag ka dahil bet mo siya. Habang magkasama kayo siguradong makikita mo sa mga kilos at pananalita niya kung may pagtingin din siya sa’yo. Pansinin mo ang mga tingin niya kung magagawa niyang tingnan ka ng diretso. Gayundin ang mga kilos at galaw niya.

6.Tatawagan ka ng madalas. Ang taong gusto ka ay hindi mapapakali hangga’t di ka niya nakakausap kahit katatapos nyo lang magchat. Mag-iisip yan ng dahilan kung bakit ka niya tatawagan. Pansinin mo ang mga sasabihin niya kapag tinawagan ka niya kung may kuwenta ba. Kung wala, gusto lang talaga niyang marinig ang boses mo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here