Mga Paraan para Makapagsulat ng Libro

Una, kumain ka. Kailangan mo talagang kumain ng masusustansiya para maging madali sa’yo ang makapagsulat dahil kailangan ng nutrients ng ating utak para makapag-isip. Karaniwan sa mga manunulat na nagkakaroon ng mental block ay walang sapat na kinakain. Kung nakakaramdam ng pangangasim ay kainin mo agad dahil makakatulong iyon para magawa mo nang maayos ang iyong trabaho.

Pangalawa, mag-travel. Ang paglalakbay ay makakatulong para makapagsulat ka ng maganda. Ang paglalarawan mo kasi sa’yong mga sinusulat ay mas magiging kapani-paniwala.  Sa bawat paglalakbay na gagawin mo ay kinakailangan mong damhin para mailagay mo sa bawat pahina ng iyong sinusulat.

Pangatlo, nagkulong sa kuwarto. Kapag nagsusulat ka ay kailangan mo ng ibayong katahimikan para magawa mo nang maayos ang iyong trabaho. Hanggang maaari ay huwag kang magpapaistorbo dahil malaki ang tendensiya na magulo rin ang utak mo sa pagsusulat na iyong ginagawa.

Pang-apat, damhin ang nilalaman ng puso. Ang anumang nais mong maiahayag ay magagawa mong mailagay sa sinusulat mo ng walang kahirap-hirap. Huwag mo lang sanang kalilimutan na ang bawat katagang sasabihin mo ay mag-iiwan ng marka sa bawat magbabasa nito kaya sa halip na mga negatibong damdamin ang isusulat mo, mas makabubuti kung ikaw ang magsisilbing insirasyon para sa lahat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here