Mga Paraan para Makalimutan ang Walang Kuwentang Lalaki/Babae

Iba’t ibang dahilan kaya nagkakahiwalay ang magkarelasyon pero ang pinakamasakit na paghihiwalay ay iyong dinaya ka ng taong pinagkatiwalaan mo ng husto. At sa artikulo natin ngayon ay nais kong ibahagi ang Mga Paraan para Makalimutan ang Walang Kuwentang Lalaki/Babae

Una, isipin mo ang masasamang ginawa niya sa’yo.  Ang mga paghihirap na pinagdaanan mo sa kanyang piling ang alalahanin mo. Sa pamamagitan niyan ay mabilis kang makaka-recover. Paano sa mga susunod na araw ay magagawa mo ring kumbinsihin ang iyong sarili na hindi nga siya ang dapat sa’yo.

Pangalawa, balikan mo sa isip mo ang tipo mong lalaki. Masisiguro ko na ang taong pinapangarap mo ay hindi lang maganda ang hitsura kundi may magagandang pag-uugali. Kung maiisip mong ang taong binigyan mo ng pag-ibig mo ay wala ang kabutihang hinahanap mo ay madali kang makaagmu-move on sa kanya.

Pangatlo, isipin mo ang iyong pangarap. Huwag mo naman hayaan na mahalimutan mong gawin ang mahahalagang bagay sa’yo dahil lang sa sakit na ipinadama sa’yo ng isang tao. Kailangan mong makabangin upang mabilis mong matanggap na nagkamali kas ng taong iibigin.

Pang-apat, alalahanin mo ang mga taong tunay na nagmamahal sa’yo. May pamilya at tunay kang mga kaibigan na nasasaktan sa ginagawa mo sa’yong buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here