Mga Paraan para Maiwasan ang Paninigarilyo

Hindiko rin maintindihan kung bakit may mga tao na talagang hindi maawat sa kanilang paninigarilyo gayung wala naman silang nakukuha roon kundi usok na maaari pang umasok sa kanilang baga. Gayunman, may mga nakausap naman ako na ang aninigarilyo raw ay mabisang panlaban sa stress.

Kahit naman sinabi sa akin iyon ng malapit na kaibigan ay hindi ko pa rin makuhang sang-ayunan siya. Siguro’y dahil sa iba naman ang panlaban ko sa stress kapag ito ay aking nararamdaman. Para kasi sa akin ay mas masarap ang kumain dahil bukod sa nagkakalaman na ang aking tiyan ay nabubusog pa ang aking isipan kaya mas marami akong nagagawa. Gayunpaman, may ilang Mga Paraan para Maiwasan ang Paninigarilyo

Una, isipin mo ang iyong kalusugan. Kapag naninigarilyo ka nababawasan din daw ng itong minuto ang buhay mo sa bawat stick ng sigarilyo. Ibig sabihin nito ay maaari kang magkasakit sa baga at sa lalamunan. Ngayon, tanungin mo ang iyong sarili, talaga bang handa kang magkasakit?

Pangalawa, isipin mo ang iyong pamilya. Higit kaninuman ay sila ang mahihirapan kapag nagkasakit ka. Siyempre kapag nasa ospital ka na ay wala na silang pagpipilian kundi ang ikaw ay alagaan.

O, talaga bang mas importante ang iyong paninigarilyo kaysa sa buhay mo at sa buhay ng mga mahal mo? Sana ay makapagdesisyon ka bago pa mahuli ang lahat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here