Mga Paraan Para Maiwasan ang Masaniban

Sa lahat ng pinakakinatatakutan ko ay mga pelikula tungkol sa exorcism.Ano pa kaya kung makakita ako ng sinasaniban sa tunay na buhay? There are times pa na hindi ako nakakatulog kapag mag-isa lang ako sa bahay at nakapanood ako ng movie about exorcist. Pero sa likod ng mga pelikulang ito ay ang katotohanan tungkol sa mga sinasaniban. Ayon sa mga matatanda, ang mga tao raw na nasasaniban ay yung mga tao na may mahinang pananalig sa Diyos. Yung mga tao na naniniwala sa existence ng dyablo.

Sa kabila nito ay may mga pamamaraan din namang pinaniniwalaan kung paano makakaiwas sa ganitong nakakapangilabot na sitwasyon.

1.Iwasang ma-involve sa mga supernatural practices. Isang pari na may kaalaman sa exorcism ang nagsabi na ang kanyang mga batang na-exorcised ay may mga psychic powers dahil ang mga ito ay sa albularyo dinadala ng kanilang mga magulang tuwing sila ay nagkakasakit. Kabilang sa mga supernatural practices na dapat iwasan ay ang paglalaro ng spirit of the glass, quija board at iba pang pamamaraan ng pagtawag sa mga espiritu. Ang mga tao rin na lumalapit sa mga mangkukulam, mga faith healers at mga albularyo ay napapalapit din sa tsansa ng exorcism. Gayundin ang mga naniniwala at gumagamit ng anting-anting na hindi nakakasiguro sa pinanggalingan nito.

2.Mag-ingat sa mga mangkukulam. Kadalasan ay hindi natin alam kung sino sa mga nakakasalamuha natin ang may kaalaman sa kapangyarihang itim o yung mga tao na may kakayahan para mangulam. Kaya hangga’t maaari ay huwag tayong magsusungit sa kahit na kanino o huwag tayong gagawa ng bagay na ikapapahamak ng iba, dahil kapag tayo ay nakatapat ng isang mangkukulam o tao na may kilalang mangkukulam, baka tayo ay gantihan. Once na ang isang tao ay makaranas na siya ay nakulam, magiging prone na siya sa iba pang demonic practices at maging sa excorcism.

3.Iwasan ang pagiging negatibo. Ang pagkakaroon ng negative vibes ay nagiging sanhi rin para maakit sa atin ang masasamang espiritu. Ang dahilan ng pagiging negatibo ng isang tao ay mula pa sa kanyang pagkabata kung siya ay nakaranas ng mga traumatic na kaganapan sa kanyang buhay. Gayundin kung ang isang tao ay hirap magpatawad at may kinikimkim na galit sa dibdib. Kaya’t upang hindi magkaroon ng pagkakataon ang mga masasamang espiritu na sumanib sayo, kailangan mong maging positibo sa buhay.

4.Gamitin ang natatanging kakayahan ng tama. Kung ikaw ay isinilang na nakabukas ang third eye o may kakayahan kang makita ang hinaharap, manggamot at iba pang espesyal na kakayahan, dapat mo itong gamitin ng tama. Dahil sa paraang ito ay hindi maiiwasan na makapagbukas ito ng mga pintuan upang magsilbing daanan ng masasamang espiritu.

5.Huwag mabuhay sa kasalanan. Kung ikaw ay nabubuhay sa kasalanan , hindi mo mamamalayan na unti-unti ay lumalaki ang tsansa na ibinibigay mo sa masasamang espiritu para makapasok sa buhay mo hanggang sa maging ang iyong katawang lupa ay magawa na rin nilang kontrolin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here