Mga Paraan para Maging Romantic

Una,  dalhin mo sa espesyal na lugar ang taong iniibig mo. Kung nais mong makuha ang loob ng isang babae, makabubuting ipakita mo sa kanya kung gaano siya kaimportante sa’yo. Dapat ay gumagawa ka ng effort para makita niya kung gaano mo nga ba siya minamahal. Hindi lang ito makikita sa mamahaling regalo na ipinagkakaloob mo sa kanya kundi sa oras na ibinibigay mo sa kanya. Kung makikipag-dinner date ka sa kanya, napakasimple lang kung dadalhin mo siya isang restaurant. Gaya ng sabi ko, mag-effort ka. Mas nakakakilig iyong yayayain mo siyang mag-picnic o kung alam mo namang gustung-gusto niya ang dagat, mag-dinner date kayo sa tabing dagat.

Pangalawa,  magpadala ka sa kanya ng love letter. Katulad nga ng madalas sabihin ng mga marami, iba ang dating kapag nababasa mo ang nilalaman ng damdamin ng isang tao. Sa pamamagitan nito ay makakaramdam siya ng kilig kapag paulit-ulit niyang nabasa iyon at hindi rin imposible na lumambot ang puso niya sa’yo.

Pangatlo, magregalo ka ng pinaghirapan mo. Kung mayroon kang talento tulad ng pagluluto o kaya ay pagpipinta, mas makabubuting iyon ang iregalo mo sa kanya. Ipagluto mo siya ng paborito niyang ulam o kaya naman ay magpinta ka ng isang bagay na gustung-gusto niya para magawa mo siyang pangitiin ng ubod tamis.

O, sana naman ay hindi ka na magpabagal-bagal sa pagkilos dahil mas mahirap na ikaw ay maunahan at maagawan ng minamahal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here