Mga Paraan Para Hindi Maakusahan ng Plagiarism

Ang karaniwang kaso na inaakusa sa isang manunulat ay plagiarism o pagnanakaw ng gawa ng iba. Ang mga ideya kasing binubuo ng isang manunulat ay matatawag na intellectual property. Ibig sabihin, lahat ng ideya mo ay hindi dapat na magamit ng iba dahil maikukonsdrang pagnanakaw iyon. So, ano nga ba ang Mga Paraan Para Hindi Maakusahan ng Plagiarism

Una, kung gagamit kang quote, ilagay mo ang pangalan ng nagsabi ng mga salitang iyon. Kaag kasi hindi mo inilagay ang pangalan ng unang nagsabi ng salitang iyon ay lalabas na ikaw ang nagsabi at magiging daan pa ‘yan para maakusahan kang nagnakaw ng gawa ng iba. Kaya, ang dapat mong ilagay ay quote at pangalan ng nagsabi tapos ay ipaliwanag mo na lang ang ibig sabihin noon base sa’yong opinyon.

Pangalawa, mag-research kang husto. Hindi ka maaakusahang nagnakaw ng gawa ng iba kung ibinuhos mo ng todo ang atensyon mo sa pagsasaliksik ng mga katotohanan dahil walang sinuman ang makapagpapabago rito.

Pangatlo, pag-aralan mo ng maigi ang kasaysayan ng bansa o kaya naman ay ng buong daigdig. Kung gumagawa kang fiction stories mas maiging kasaysayan ang ibinabahagi mo sa mga mambabasa para naman alam din nila ang nangyari sa nakaraan ngunit hindi naman dapat na masyadong mahaba, mas maigi kung pasulpot sulpot lang ang tungkol sa history at maglagay ka rin ng pagapaliwanag.

Siguro naman sa pamamagitan ng artikulo na ito ay hindi mo na rin gugustuhin na kumuha ng ideya ng kapwa mo manunulat dahil malina, sasamaa ang tingin sa’yo ng mga mambabasa. Siyempre, alam nila kung sino ang original na gumawa at kung sino ang nangopya lang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here