Mga Paraan para Gumanda ang Buhay

  1. Mag-jogging sa umaga  – Kung nais mong magkaroon ng mahabang buhay, kailanga ay pangalagaan mong mabuti ang iyong sarili kaya’t kapag gising mo sa umaga, mag-jogging ka na. Mas maiging ganito ang gawin mo kaysa piliin mo lang na manood maghapon ng tv o pelikula. Aba’y kapag ganito lang ang gagawin mo tiyak na lalaki lamang ang tiyan mo at malaki pa ang tendensiya na ikaw ay magkasakit.
  2. Iwasan ang mga taong masasama ang impluwensiya sa’yo – Kung ang itinuturing mong kaibigan ay walang ginawa kundi akayin ka sa masasamang gawain, iwasan mo na siya kung ayaw mong tuluyang masira ang iyong buhay. Baka mamaya niyan makulong ka pa o mapatay. Hindi naman masama ang makipagkaibigan pero dapat doon sa aakayin ka sa tamang landas.
  3. Matuto kang mangarap – Hindi habambuhay ay naririyan ang mga magulang mo para suportahan ang mga pangangailangan mo. Hindi naman pupuwede iyong kontento ka na lang na nakapasa ka sa exam. Paano ka makakapagtrabaho ng maganda niyan kung puro palakol lang ang mga grado mo? Ang dapat, lagi mong asamin na makakuha ka ng the best para may maipagmalaki ka sa employer kapag ipinakita mo na ang transcript of records mo.
  4. Mahalin mo ang iyong pamilya – Kung nais mo talagang suwertehin sa buhay, sila dapat ang iyong inspirasyon para maabot mo ang iyong pangarap.
  5. Huwag mong kalilimutan ang Maykapal – Hindi porke maganda ang nangyayari sa buhay mo ay hindi mo na siya maaalala. Huwag mong hintayin na dumating ang mga kamalasan sa buhay mo bago mo Siya pansinin.

MORE ARTICLES

Horoscopes     Kapangyarihan     Pamahiin    Panaginip      

Misteryo    Numerology    Zodiac   Beauty/Health

Your Birthday ( Kaarawan Horoscope)      Entertainment   

Religion    Panalangin  Relationships     OFW      LGBTQ    

New Wave (English)     Facebook     YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here