Mga Papuring Nais ng Babae

0
48

Ang babae tulad ng lalaki ay mahirap unawain. Walang dalawang babae ang eksaktong magkapareha; mayroong sinusubukan pa ring alamin kung sino sila, habang ang iba ay may kumpiyansa sa sarili at alam kung ano ang nais nila. Kung ganito ang kaso, paano natin malalaman kung ano ang mga papuri na nais marinig ng mga babae? Kung makatutulong tingnan natin ang kalikasan ng tao. Ang ating mga pangunahing pangangailangan ay maramdamang tayo ay ligtas, pinahahalagahan, minamahal at may kontrol sa ating buhay. Totoo rin ito sa mga babaing nasa relasyon. Narito ang mga papuri na nais marinig ng mga babae.

1. “Tungkol saan ang iyong mga iniisip…”

Ang babae tulad ng iba pa ay nais na malamang ang kanilang mga opinyon ay mahalaga. Kung nasa relasyon sa isang babae, isama siya sa paggawa ng desisyon. Mararamdaman niyang siya ay pinahahalagahan at kasama sa mga mahahalagang bahagi ng buhay. Mahalaga rin sa pagtatanong ng kanyang opinyon ay ang pagrespeto sa kanyang opinyon. Dahil kapag tinanong mo ang kanyang opinyon at pagkatapos ay binalewala lang ito, para mo na ring sinabi na balewala siya at walang halaga ang kanyang mga naiisip.

2. “Tunay na matalino ka at naaakit ako sa iyo.”

Marami sa mga kababaihan lalo na iyong mga bata pa ay sinasabihan na upang pahalagahan sa mundo, kailangan silang maging maganda at payat. Hindi sapat ang mga kababaihang sinasabihan at iniengganyo na palawigin ang kanilang kaisipan gayundin ay pagandahin ang kanilang pangangatawan. Ang mga babae ay natu-turn on sa kaparehang nakikita ang kanilang panloob na potensyal at gayundin ang hubog ng kanilang katawan. Muli, ang mga mas batang babae ay marahil napalaki na mas liberal, subalit hindi naman laging ganoon. Ang pagbuo ng kumpiyansa sa sarili ng mga babae ay paraan upang maging mas mabuti siyang kapareha.

3. “Madali kang kausapin.”

Ang mga babae ay nais isiping magaling silang makipagkomunikasyon. Ang babae ay gumagamit ng verbal communication upang maapektuhan ang mundong nakapalibot sa kanya. Ang pagsasalita ay dominyo nila. Ang makakita ng kapareha na pinahahalagahang ang aspetong ito ng kanilang personalidad ay nakapagtataas ng kanilang ispirito. Ang komunikasyon ay mahalaga sa malugos na relasyon, at ang pagsisimula ng ganitong papuri ay magandang unang hakbang.

4. “Magsabi ka pa ng tungkol sa iyo …”

Ang lahat ay nais ang tagapakinig na maging interesado sa kung ano ang kanyang sasabihin. Kung ang babae ay nagsasalita tungkol sa kanyang hobby, career, pinag-aralan o iba pa niyang nais gawin, magtanong ng mga tiyak na tanong tungkol dito. Una, nagpapakita ito na nakikinig ka, at pangalawa, nagpapakita ito na pinahahalagahan mo ang mga interes niya sa buhay.

5. “Hindi ka tumitigil na sorpresahin ako. Iyon ang isang bagay na mahal ko sa iyo.”

Ang babae ay nais na maramdaman na sila ay akaiba at espesyal. Sa katotohanan, sila ay: walang dalawang babae na eksaktong magkapareha. Ang pagsasabi sa babae na siya ay nakawiwili at mahirap unawain ay seryosong turn-on. Sinasabi nito na handa kang kilalanin siya gaano man ito katagal. Ang kanyang isip, personalidad at ideya ay malalim. Marahil ay hindi ito dapat sinasabi sa unang date ninyo. Maghintay na mas kilala mo na siya, dahil kung hindi, para lang itong isang pick-up line na iyong sinasabi.

6. “I love you.”

Parang simple lang, hindi ba? Pero hindi ito madaling sabihin lang ng isang tao, lalo na kapag hindi ito totoo sa sarili. Kaya huwag itong sabihin kung hindi mo naraamdaman. Maghintay hanggang sigurado ka na na mula ito sa puso at totoong nararamdaman mo para sa kanya. Nais ng babae na sinasabi ito sa kanila, isa ito bukod sa seguridad na pangunahing kailangan ng tao. Kaya naman mahalagang naririnig ito ng mga babae mula sa lalaki.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here