Mga Pangontra Kamalasan kapag Naglipat ng Agosto

  1. Magdala ng walis tingting o anumang panlinis sa lilipatang bahay bago pa man sumapit ang Agosto – Makakatulong daw ito para  matanggal ang nakaambang kamalasan.
  2. Magsabit ng 5 Emperor coins sa labas ng pintuan –  Dapat daw ito ay sa may doorknob para ikaw ay suwertehin.
  3. Paglilinis – Dapat isang linggo bago ka lumipat ay malinis na malinis na ang bahay mo. At saka ka pumili ng araw na sa tingin mo ay makapagbibigay talaga sa’yo ng suwerte. Makabubuti rin kung mag insenso para ang mga hindi kabilang na nilalang ay mataboy sa’yong tahanan. Saka isang araw bago ka lumipat ay kailangan mong buksan ang lahat ng ilaw ng iyong bahay. Ang mga ‘nilalang’ kasi ay ayaw sa maliwanag na lugar. Ang gusto nilang laging pinupuntahan ay iyong madidilim.
  4. Ang pagsisiga – Bago ka pumasok sa bahay ay dapat magsiga ka muna sa harap ng bahay. Makatutulong ito para hindi puntahan ng kung anu-anong nilalang ang iyong tahanan.
  5. Magpakulo ng tubig – Pakinggan mong mabuti ang tunog ng takure mo sa unang araw ng paglilipat ninyo ng bahay. Para suwertehin ka, isama mo rin sa tubig na iyong pinakukuluan ang 8 barya. Pampasuwerte ito upang hindi maghirap ang inyong pamilya.
  6. Ang 7 kayamanan na hindi mo dapat kalilimutan sa pagllipat ng bahay — Kahit na sabihin mong wala kang gaanong pera sa bulsa ay maaaring magbago ang iyong kapalaran kapag ang mga ito ay dinala mo sa bahay na iyong lilipatan
  7. Posporo o lighter
  8. Bigas
  9. Mantika
  10. Asin
  11. Toyo
  12. Suka
  13. tsaa

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here