MGA PAMPASUWERTENG RITUWAL NA MAAARING SUBUKAN

654

Napakadali lamang ng mga spells at ritual na aking ibabahagi.

        Ang mga spells at ritual na ito ay dapat gawain sa loob ng 14 na gabi ng Waxing Crescent Moon.

        Ang Waxing Crescent Moon ay nagaganap bago magkabilugan ang buwan. Sa panahon ng Waxing Crescent Moon, nagiging malakas ang mga spells at rituals na may kinalaman sa pag-attract ng mga positibong kaganapan sa buhay tulad ng sa pag-ibig, pananalapi, at iba pa.

1.   Love Attraction Spell

        Isulat ang buong pangalan ng taong gusto mong paibigin sa isang piraso ng papel. Itupi ang papel ng tatlong beses paharap sa iyo. Halikan ang papel ng tatlong beses matapos mo itong maitupi. Pagkatapos ay itago ang papel sa ilalim ng iyong unan. Makikita mo na unti-unti ay mapapansin ka na ni crush.

2.    Money Attraction Ritual

        Kumuha ng isang green candle at iukit sa katawan nito ang amount o halaga ng salapi na nais mong magkaroon ka. Pagkatapos ay itulos ito sa gitna ng isang pinggan at palibutan ng mga barya. Budburan ang buong pinggan ng cinnamon powder. Sindihan ang kandila at hayaan ito ng maubos.

3.  Illness Prevention Spell

        Magbalat ng ilang piraso ng bawang o garlic. Pitpitin ang bawang at saka  ito ipahid  sa buong katawan mo, mula ulo hanggang paa. I-flush sa toilet ang buong bawang pagkatapos. Maligo pagkatapos ng rituwal.

4.  Better Business Candle Spell

        Itago ang unang baryang piso na kinita sa bagong tayong negosyo. Budburan ito ng asukal at asin. Magsindi ng green candle at itulos ito sa ibabaw ng barya. Hayaang matunawa ng kandila. Itago ang barya sa lalagyan ng kita o kaha de yero at huwag gagastusin kahit kailan.

5. Dream Job Spell

        Gumawa ng sariling advertisement ng iyong dream job. Be creative. Pagkatapos ay patakan ang papel kung saan mo isinulat ang advertisement ng coconut oil. Ibaon ang papel sa lupa pagkatapos.

6.  Bay Leaf Wish Spell

        Isulat ang iyong kahilingan sa isang piraso ng dahon ng laurel o bay leaf. Sunugin ito at saka paliparin ang abo sa hangin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here