Mga Pamahiing Pinoy na Maaaring Hindi nyo pa Alam

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Likas na sa ating mga Pinoy ang mapapaniwalain sa mga pamahiin. Kaya naman halos lahat na ng pamahiin ay kabisado na natin. Pero alam na nga ba natin lahat ? Narito ang ilan sa mga pamahiing bayan na maaaring hindi nyo pa alam.

Surot. Walang sinuman ang may gugusto sa mga surot. Kahit maliliit kasi sila ay masakit silang mangagat. Kaya naman ginagawa natin ang lahat ng paraan para mawala sila sa ating bahay lalo na sa mga higaan at upuang kahoy. Kung gusto natin na mawala talaga sila, kumuha ng ilan at ibalot sa isang papel. Pagkatapos ay ilipat sila sa isang lugar na halimbawa ay bahay na walang nakatira o abandonado, iwan sila doon at ang mga kasamahan nilang surot mula sa inyong bahay ay lilipat din doon kung saan nyo iniwan ang iba.

Bisita. Kung meron kang bisita na hindi mo gusto, pasimple kang magbudbod ng asin sa paligid ng iyong bahay, kailangan ay walang makakita at hindi na magtatagal pa, ang bisita ay magpapaalam na sa’yo para umalis. Tungkol pa rin sa bisita, kung ikaw naman ang bibisita sa isang bahay, matutong kumatok. Hindi kasi dapat buksan ng bisita ang pinto kung kumakain ang mga nakatira doon dahil lilipad ang suwerte nila palabas ng pinto. Dapat ay sila mismo ang magbubukas ng pinto para sa’yo. Kung gusto mo naman makatanggap ng magandang balita mula sa bisita mo ay tubig muna ang una mong iabot sa kanya.

Bubuyog. Ikinatutuwa natin kapag nakakakita tayo ng paruparo sa loob ng ating bahay dahil iniisip nating ito ang yumao nating mahal sa buhay at dinadalaw lamang tayo. Pero kung bubuyog ang makita mo, matutuwa ka rin ba? Oo naman, dapat kang matuwa, dahil suwerte ang ibig sabihin nito.

Tinik ng isda. Kapag natinik ka ng isda, ang una mong ginagawa ay uminom ng tubig, o kaya ay kumain ng binilog na kanin, o kaya ay saging, may naniniwala naman na ipakamot daw sa pusa. May isa ka pang pwedeng gawin upang mawala ito, iikot mo lang ng tatlong beses ang iyong plato at mawawala na raw ito.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here