Mga Pamahiin Tuwing Bagong Taon

0
251

Ang mga Pilipino ay maraming pamahiin o paniniwala tuwing bisperas ng Bagong Taon na ipinasa mula sa nakaraang henerasyon. Bagama’t kadalasan dito ay katawa-tawa at walang siyentipikong basehan, ang mga pamahaiing ito ay pinaniniwalaang makakapigil sa malas at panganib na mangyari sa papasok na taon. Sa kabilang banda, pinaniniwalaan din na makapagbibigay ng suwerte para sa paparating na Bagong Taon ang ilan sa mga pamahiing ito.

1. Para sa mga medyo kulang sa tangkad, tumalon ng 12 beses pagpatak ng hatinggabi upang tumangkad.

2. Para sa masaganang pagdaloy ng pananalapi, punuin ang bulsa ng mga bagong perang papel at barya, ikalat ang mga barya sa buong bahay.

3. Buksan ang lahat ng pintuan, bintana at mga kahon ng lalagyan upang pumasok ang swerte, lalo na sa usapin ng pananalapi.

4. Gumawa ng malakas na ingay at gumamit ng paputok upang takutin ang mga masasamang espiritu.

5. Magsuot ng polka dots dahil ang kahit anumang bilog ay nagpapahiwatig ng kasaganaan.

6. Para sa nais ng suwerte sa usaping pinansyal, maghanda ng 12 prutas bilang simbolo ng kasaganaan para sa bawat buwan.

7. Maghanda at kumain ng pansit para humaba ang buhay.

8. Buksan ang lahat ng ilaw sa bahay upang maging maliwanag ang paparating na taon at maitaboy din ang mga kamalasan.

9. Iwasan ang paghuhugas at pagsusuklay ng buhok upang maiwasan din ang malas sa buong taon.

10. Huwag maglinis o mag-walis sa loob at labas ng bahay sa unang araw ng Bagong taon upang hindi lumabas ang swerte

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here