Mga Pamahiin Tungkol sa Salamin at Repleksyon

0
285

Isa sa pinakamasarap at kaiga-igayang gawain ng tao ay ang pagmasdan ang sarili sa salamin. Iyong matuwa sa sariling kagandahan o kaayusan ng hitsura. Subalit alam n’yo ba na maging ang salamin o ang mga nakikitang replesksyon sa salamin ay may kaakibat na pamahiin o paniniwala ang tao. Alamin ang mga ito…

1. Kapag nabasag mo ang iyong salamin, ay makararanas ng pitong taon ng kahirapan.

2. Iwasan ang lahat ng kamalasan na may kaugnayan sa pagkabasag ng salamin sa pagtapon ng lahat ng piraso nito sa dumadaloy na tubig.

3. Kung nakabasag ng salamin, ang bilang ng piraso ng salamin ay indikasyon ng taon ng kamalasan na mararanasan.

4. Nagdadala ng malas para sa dalawang tao na sabay na tumitingin sa salamin.

5. Kung may dalawang tao na tumingin sa salamin nang sabay, isa sa kanila ang mamamatay.

6. Magdudulot ng malas kapag tumingin sa salamin habang isinusuot ang iyong night gown.

7. Kapag tumingin sa salamin pagsapit ng dilim, makikita mo ang demonyo.

8. Kung makikita na dalawa ang iyong imahe sa salamin, kasunod nito ang sariling kamatayan.

9. Kapag nakita ang anino habang nakatingin sa salamin ay senyales ng kamatayan.

10. Nagdadala ng kamalasan kapag tumingin sa salamin habang may sakit.

11. Habang nakahiga sa iyong kama at nakita ang sarili sa salamin, umasa ng kamalasan o kamatayan.

12. Kapag nakakita ng mukha ng isang namatay sa salamin, ikaw ang susunod na mamamatay.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here