Mga Pamahiin Tungkol sa Malapit Nang Mamatay

0
683

May iba’t ibang pamahiin o paniniwala ang tao tungkol sa mga patay. Subalit alam n’yo ba na maging sa isang taong malapit nang mamatay ay may mga pamahiin din tayong hanggang sa kasalukuyan ay umiiral sa ating panahon. Alamin ang mga ito…

1. Ang biglaang pagkamatay, lalo na iyong nagdedeliryo, ay iniuugnay sa witchcraft.

2. Kung may dalawang tao na may sakit sa iisang bahay, at namatay ang isa, ang isa ay bubuti ang kalusugan.

3. Kung ang tao ay nakaranas nang mahaba at sobrang pagdurusa sa pagkamatay, dadalawin niya ang mga naiwang mahal sa buhay, kaya ang lahat ng posibleng pamamaraan upang ang pagkamatay ay magkaroon ng konting paghihirap ay ginagawa.

4. Ang kama ng may malubhang sakit na tao ay hindi dapat inilalagay sa north o south, at laging sa east at west, na ang ulo ay patungo sa west. Ito ang magpapabilis ng pagkamatay at makababawas sa paghihirap ng may sakit.

5. Sinasabi na ang taoay hindi maaaring mamatay sa higaan na may balahibo ng wild fowl, kaya kapag may namamatay nang mabagal, ang taong ito kung minsan ay inililipat sa ibang higaan upang mabawasan ang kanyang paghihirap.

6. Ang huling pangalan ng isang tao na tinawag ng malapit nang mamatay ay ang susunod na mamamatay.

7. Mamamatay ka kung may taong malapit nang mamatay ang sinaktan o kinagat ka. Upang maiwasan ang sariling pagkamatay, kailangang saktan o kagatin mo sila sa parehong lugar.

8. Sa pagsisimula ng taon, kung ang taong malapit nang mamatay sa komunidad ay matanda, ang komunidad ay maghihirap sa pagkamatay ng maraming matanda.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here