Mga Pamahiin Tungkol sa Larawan

0
445

Hindi na lingid sa atin ang kasabihan sa Ingles na “a picture paints a thousand words.” At totoong ang mga larawan ay napakahalagang bagay sa atin na pinagkukunan natin ng mga alaala, masaya man ito o hindi. Kaya naman sadyang pinahahalagahan natin ang mga larawang kadalasan ay napakagandang dekorasyon sa ating mga tahanan o kuwarto. Pero alam nyo ba na may mga pamahiin din ang mga larawan? Alamin ang ilan sa mga ito…

1. Kung babaligtarin ang larawan ng iyong kaibigan ay makakaramdam siya ng sakit ng ulo.

2. Kung isasabit ng baligtad ang larawan ng iyong kasintahan, mamamatay sa lalong madaling panahon ang lalaki.

3. Kapag may larawang nalaglag, kasunod nito ang malas.

4. Kung may larawan mahuhulog mula sa pagkakasabit nito sa dingding, may mamamatay sa pamilyang nagmamay-ari ng larawan.

5. Kung may malaking larawan ng pamilya na mahuhulog o malalaglag mula sa pagkakasabit nito, may magaganap na kamatayan sa pamilya.

6. Kapag ang iyong larawan ay ibinaon sa lupa ng isang kaaway, ang iyong buhay ay maglalaho habang naglalaho ang larawan.

7. Kung ang salamin sa larawan ay biglang nabasag, may kamatayan darating sa inyong pamilya.

8. Kapag gumuhit ng larawan ng iyong kaaway at binaril ito ng silver bullet, makararamdam siya ng sakit kung saan tumama ang bala.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here