Mga Pamahiin Tungkol sa Kamay

0
646

Ang mga kamay ay simbolo ng kapangyarihan at instrument ng pagpapagaling, hustisya at pagpapala. Ang kanang kamay ay masuwerte at ang kaliwang kamay ay malas, dahil ang Devil ay sinasabing naupo sa kaliwang bahagi ng Diyos bago ito ipinatapos palabas ng langit.

1. Ang malaki at makapal na kamay ay pinaniniwalang karakteristiko ng katatagan ng tao.

2. Ang maliit at manipis na mga kamay ay pinaniniwalaang karakteristiko ng kahinaan at pagiging mahiyain ng tao.

3. Ang mahabang mga kamay ay indikasyon ng mapanlikhaing kalikasan.

4. Ang kamay na maiigsi ay indikasyon ng pagiging likas na bulagsak at kahangalan.

5. Ang mabigat na kamay ay sinasabing likas na kagaspangan ng tao.

6. Ang malambot na mga kamay ay iniuugnay sa talas ng isip.

7. Ang mabuhok na kamay ay indikasyon ng taong mahilig sa maalwang pamumuhay.

8. Ang mamasa-masang kamay ay iniuugnay sa mapagmahal na disposisyon; samantalang ang malamig na mga kamay ay nangangahulugan naman ng busilak na puso.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here